Naging ugali na namin magtoka ng gawain tuwing nag-a-out of town. May magluluto, may tagabili ng supply, may taga timpla ng chaser at taga biyak ng yelo para sa inuman. Oo, mahirap man paniwalaan dahil ang sosyal-sosyal namin, ginagawa namin ang mga manual labor na yan. Pero ang pinakatatamaran naming gawin ay maghugas ng plato. Wala naman kaming angal maghugas ng plato, kaso kung pati plato ng iba, nakakatamad lang talaga. Naging usapan na namin na kung sino ang huling matapos kumain, yun ang maghuhugas ng plato ng lahat. Hindi namin alam kung mahina ba ang panga ni "Bunso" o talagang mas masiba lang si "Kulturantado", "Boss Chip", at "Manong Guard" kumain dahil madalas, si "Bunso" ang nahuhuling kumain at naghuhugas ng mga plato.
Babala: Wag gagayahin ang usapang ganito kung ikaw at ang tropa mo ay madalas mabilaukan. Talent ang matapos kumain within 5 minutes.
Out of town... 5 years ago... Sa Cavite... Katatapos lang mananghalian... Naghuhugas ng mga pinagkainan si "Bunso" dahil nahuli na naman syang kumain... Lumapit si "Boss Chip" kay "Bunso". Tutulong sana.
"Boss Chip": Tangi*a naman tulungan na nga kita... pero mukang sanay na sanay ka naman jan, kaya mo na yan 'no?
"Bunso": Hindi gago, dali na tulungan mo nako para mas mabilis matapos.
"Boss Chip": Abnoy ka kasi, bagal mong kumain lagi.
"Bunso": Sosyal ako 'e. Ganun talaga.
"Boss Chip": O' gago ikaw maghugas mag-isa mo, sosyal pala ha...
"Bunso": Sige na. Ako nalang magsasabon, ikaw magbanlaw.
"Boss Chip": Sige sige... Dito mo ilagay sa kanan yung mga plato pagtapos mong sabunin... Hoy! aksayado ka sa sabon ah! Ba't ang dami mong nilalagay na liquid soap???
"Bunso": Para mas mabilis.
"Boss Chip": Pareho lang yan kahit konting sabon lang!
"Bunso": Ayos na yan, para tuloy-tuloy, pahid lang nang pahid. Wala na din 'e, nalagay ko na sa sponge, alangan namang ibalik ko pa sa bote...
"Boss Chip": Abnoy ka kasi... hindi mo ba narinig? Sabi sa T.V., "Isang patak, kaya ang isang katutak!"
"Bunso": 'O edi madaming patak, kaya ang madaming katutak!
"Boss Chip": Madaming katutak pala ha, leche maghugas ka mag-isa mo...
"Bunso": Hindi na! Isang katutak lang! Huy!!!
0 comments for this post