Sisihan.
By mgaepals on 12:12
Filed Under:
Ang image sa taas ang front page ng CNN.com nung binisita namin ito kanina. Click mo yung image kung gusto mong makita ang kabobohan na nagpasikat sa Pilipinas ngayon.
Put*ng ina, umiksena na naman ang Pilipinas sa mundo. Sikat na naman tayo sa pagiging inutil. Salamat sa mga pulis.
Kung hindi ka self absorbed na bobo, alam mo na nagkaron ng hostage situation dito sa Pilipinas involving a tourist bus, a dismissed former police, at madaming inutil na pulis. Ayaw sana naming lahatin ang mga pulis, pero dahil walang umapila sa kanila para i-handle ang situation ng mas ligtas para sa hostages, damay-damay na. Dating PULIS ang nanghostage na si Rolando Mendoza. Mga PULIS ang gumawa ng eskandalo sa pag aresto sa kapatid ni Mendoza. PULIS din ang inarestong kapatid ni Mendoza. mga PULIS din ang umatake sa bus kahit hindi nila alam kung may buhay pa na hostages o wala na. Kaya wag nyong sasabihin na wag isisi sa mga PULIS ang kadiring kabobohan na 'to.
Isa pa, walang bystander na tatamaan ng ligaw na bala kung hindi pinayagan ng mga PULIS na magkaron ng mga bystander sa area.
Hindi na namin kailangan idiin na ang nagpainit ng ulo ni Mendoza ay ang nakita nyang pag-aresto sa utol nya. May TV sa loob ng tour bus, at pinakita ng media ang footage na dinadampot ng mga pulis ang kapatid ni Mendoza at pumapalag ito. Alam nyo na yan. Hindi nyo dapat sisihin ang media dahil trabaho nila yon. Kung may gusto kayong murahin tunkol dun, murahin nyo yung mga hindi pumigil sa media.
Tinimbang nila...
Option 1: Mag-news blackout tayo para hindi makita ng hostage taker ang mga plano natin at ang mga gagawin natin.
Option 2: Wag tayong mag-news blackout dahil baka magtampo ang media at magalit sa atin.
Pinili nila ang option 2... para makisama sa media. Baket hindi nila pinakisamahan ang buhay ng mga hostage?
May mga sinisisi din ang driver ng tour bus dahil nagsisigaw daw ito ng "Patay na lahat!" nung makatakas ito. Hindi namin alam kung gusto lang magmarunong nung bus driver o na-troma sya pero hindi nya kasalanan na umatake ang mga pulis. Baket hindi muna nag-confirm ang mga pulis kung wala na nga bang natitirang buhay na hostage sa bus?
Kung susumahin, mahirap husgahan ang mga pangyayari. Nakakabur*t dahil napahiran na naman ng tae ang pangalan ng Pilipinas sa buong mundo. Nakakapang-init ng ulo dahil kawawa ang mga kamag-anak ng mga biktimang pumanaw. Pero kung ang mga kamag-anak ng mga nakaligtas ang tatanungin, malamang pasasalamat ang nararamdaman nila para sa mga PULIS.
Nangyare na ang hindi dapat nangyare. Tingnan ang mga kabobohan na nangyare, at utang na loob, wag nang pabayaan mangyare ulit. Sisantehin ang mga dapat sisantehin. Pwedeng matuto ang mga pulis. Pwedeng mapagsabihan ang media. Pwedeng maging mas effective ang sistema. Pero ang mahalaga ngayon ay maimbistigahan kung ano ang pinagmulan ng lahat. Ugat ang tutukan. Alamin ang TOTOONG DAHILAN kung baket nanghostage si Rolando Mendoza.
0 comments for this post