Dagdag kaalaman para sa mga kaibigan nating mga Chinese na naninirahan sa Pilipinas. Hindi lahat ng tao sa Pilipinas ay may family business.
By mgaepals on 09:03
Filed Under:
Hindi na siguro kasalanan ng ibang Chinese dito sa Pilipinas kung hindi sila sanay makakilala ng taong walang family business. Kapag may bago kang nakilala sa school, office, o kung saan man, ang mga normalna palitan ng informations ay...
"Anong pangalan mo?"
"Taga saan ka?"
"Anong ginagawa mo? / Anong trabaho mo?"
Pero sa maniwala kayo o hindi, sa mundo ng mga Chinese schools sa Pilipinas, ang mga palitan ng information ay ganito...
"Anong pangalan mo?"
"Taga saan ka?"
"Anong family business nyo?"
Ang dalawang manunulat ng MgaEpal.com na si "Bunso" at "Boss Chip" ay may kaintsikan din sa dugo nila (Erpat ni "Bunso", Chinese. Ermat ni "Boss Chip" Chinese.) at sila ay patunay sa karanasan na matanong kung ano ang family business nila. Hindi naman lagi, pero madalas kapag parehong Chinese ang nagkakilala, ganon ang nangyayare. Hindi naman mali ang ganitong pangyayare, naisip lang namin na ipaalam ang "trivia" na 'to sa mga Pilipino. At maipaabot sa susunod ng henerasyon ng Chinese-Filipinos na hindi lahat ng tao ay pinanganak na may hardware, mall, junk shop, paupahang bahay, pawnshop, palaisdaan, pabrika ng unan, repair shop ng tao, factory ng bahay, pagawaan ng good morning towels, etc.
0 comments for this post