Epal: May naisip akong business.
Mas Epal: Ano na naman yan?
Epal: Alam mo yung mga 10 pesos store?
Mas Epal: Oo, yung mga tindahan na puro sampung piso yung presyo ng paninda. Ano naman?
Epal: Baket hindi tayo magtayo ng 9 pesos store... sa tabi ng 10 pesos store? Diba?!
Mas Epal: Mga idea mo e' no? Gago ka ba?
Epal: O' baket? Ikaw ba, kapag nakakita ka ng tindahan tapos pareho ang binebenta... yung isa 10 pesos lahat ng binebenta nila, tapos yung isa 9 pesos lang... san ka bibili?
Mas Epal: Sa 9 pesos.
Epal: O' diba?! Sabi sayo e'!
Mas Epal: Ewan ko sayo. Basta ang labo mo! Isipin mo, kung may magtayo ng 8 pesos store? Talo ka na.
Epal: Edi gagawin kong 7 pesos store yung akin.
Mas Epal: E' may nagtayo ng 6 pesos store...
Epal: 5 pesos store yung akin.
Mas Epal: Nagkaron ng 4 pesos store! Patay ka na jan. Ano gagawin mo, magtatayo ka ng 3 pesos store?
Epal: Oo!
Mas Epal: E' kung nagkaron ng 2 pesos store???
Epal: Edi 1 peso store saken! Lahat ng benta ko piso lang!
Mas Epal: E' pano kung LIBRE store yung katabi mo? Binibenta nila ng libre yung mga paninda nila.
Epal: Gagawin ko ding libre lahat ng paninda ko! tapos babayaran ko pa lahat ng bibile!
Mas Epal: Sige good luck.
Epal: Panira ka ng pangarap!
0 comments for this post