Kung suki ka sa MgaEpal.com at wala kang memory gap, matatandaan mong tinanong at nagpaboto kami sainyo kung ano sa palagay nyo ang nauna, itlogs o manoks? [Basahin dito ng mga bagong bisita.]
Eto ang resulta:
Hindi naman masyadong nagkakalayo ang percentage ng mga boto, pero sa huli, mukang mas madami ang naniniwalang MANOK ang nauna.
Paghihimay ng MgaEpal.com:
Kung pagbabasihan ang religion, nauna ang manok dahil ginawa daw ng Diyos ang mga hayop at hindi sya gumawa ng mga itlog. Kung sa science naman ibabase, nauna ang itlog dahil ang big-bang daw na naganap at pinagmulan ng lahat ng bagay sa universe ay mula sa isang cosmic egg. Kaya technically, magiging religion vs science ang laban.
Ang religion at science ay isang maselan na usapin, kaya hindi na natin pakikialaman MUNA yan. Dito sa MgaEpal.com sinusubukan lagi namin balansehin ang mga bagay. Hindi kami kumakampi sa mga bagay na walang malakas na katibayang pinanghahawakan at hindi namin kinakalaban ang mga bagay na hindi namin LUBOS na naiintindihan. Sa huli, napagkasunduan namin na irespeto ang resulta ng boto nyo at i-declare na panalo ang MANOK. Para sa karamihan, nauna ang manok.
0 comments for this post