By Request...

By mgaepals on 09:01

Filed Under:

Nung nag-umpisa 'tong kalokohan na 'to (MgaEpal.com) , isa sa pinag-isipan namin ng mejo matagal ay kung lalagyan ba namin ng labels ang mga post. Sa huli, napagkasunduan namin na wag na, nakakatamad kase. Inisip namin na "Kung gusto nilang basahin, edi hanapin nila." Aminado naman kaming tamad kami, kaso madami ang nagrequest sa comment box (na hanggang ngayon ay madaming nagcocomment kahit sinabi na naming bawal.) Madami din ang nagrequest sa Fan Page, sa kanikanilang Plurk, Tumblr, at sa Email. Nung napansin namin na dumadami na ang basahero sa MgaEpal.com naisip namin na pagbigyan na ang request at maglagay ng labels. Kaso nakakatamad talaga. Inabot ng halos dalawang buwan dahil pakonti-konti lang ang pag-gawa. Pero nung humampas ng 10,000 ang mga gumusto sa Fan Page ng MgaEpal.com naisip namin na ayusin na ang lahat. Salamat sa isang basahero na pumuna. Kung hindi nya binanggit, hindi namin mapapansin na umabot na ng ganyan kadami ang mga kasangga ng MgaEpal.com

Eto ang finished product. Salamat sa chicks ni "Boss Chip" sa pagkalikot ng HTML at kung ano mang code ang ginagamit sa ganyan.


Tanga, hindi mismo yan yung labels. Image lang yan. Yung nasa sidebar sa kanan, yun yung functioning label para sa mga basahero dito.


Madrama-serious moment...

Nagkamali kami nung sabihin naming aaraw-arawin namin kayo...
dahil kayo pala ang aaraw-araw sa amin.
Salamat. Apir.

0 comments for this post

Post a Comment