"Ang pikon ay laging talo."

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:

Kung totoo ang kasabihan na yan, tang*na matagal nang talo lahat ng Pilipino. Dahil ang lakas mang-asar ng gobyerno.

Tagalog-English dictionary.

By mgaepals on 08:02

comments (0)

Filed Under:

Bihira: Seldom, Scarce, Rare

Pambihira: Extraordinary, Surprising, Special

Example:

"Bihira ang mga kaibigan na sasabayan ka sa pagluha. Pambihira ang mga kaibigan na kayang pahintuin ang  pagluha mo." -MgaEpal.com

Welding

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

"Ang pag-ibig na bakal ay hinihinang at pinag-iisa ng matinding init na namamagitan sa dalawang nagmamahalan. Pero kung ang pag-ibig ay yari sa plastik, at ang matinding init ay nagmumula lang sa laman, malulusaw lang ito sa oras na ito ay hininang." -MgaEpal.com


Sige, i-marinate mo muna ang utak mo jan.

"Like a virgin, touched for the very 2,378th time." -Madonna

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

"Mas mabuti pa ang masapak ng katotohanan, kesa kurut-kurutin ng kasinungalingan." -MgaEpal.com

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

May mga taong ayaw malaman ang totoo dahil ang pagsisinungaling nila sa sarili ang nagbibigay sakanila ng pag-asa. Sila ay maituturing na mga yaya ni Angelina... Such a loser.



picture hugot dito

"Mas mabuti pang tumahimik ka at paghinalaan ka nilang tanga, kesa magsalita ka at mapatunayan nilang tama ang hinala nila." -MgaEpal.com

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Patol sa Hatol

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Ang pagiging sweet at pagiging bolero katumbas ng pagiging stick na binabalanse sa palad. Hindi mo kontrolado kung saan ka babagsak. Kung gusto ka ng babaeng pinupuri mo, kahit pa alam nyang nagsisinungaling ka, sweet ka. Pero kung ayaw nya sayo, maski alam nyang totoo ang sinasabi mo, bolero ang bagsak mo. Hindi na nakasalalay sa mga sasabihin mo ang hatol sayo. Kung baga sa basketball, kapag tinira mo ang bola, kahit unang tira mo pa lang yan basta't hindi pumasok, bwakaw ka na. Pag pumasok, magaling ka... kahit chamba.

Kapag maganda daw ang boses ng babae sa telepono, panget daw yun sa personal.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Hindi naman siguro. Nagkataon lang na natural sa babae ang magkaron ng magandang talking voice. At nagkataon lang din na karamihan ng mahilig makipag-phone pal ay mga panget.

"Bato-bato sa langit, ang tamaan, mahilig makipag-phone pal na panget."

"Ang taong hindi nagkakamali... ay walang ginagawa." -MgaEpal.com

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:


Mag-isip ang tatamaan.

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Kung alam mo sa sarili mo na ginawa mo na lahat at wala paring nangyayare, baka panahon na para magkanya-kanya kayo ng landas. Minsan, ang nasirang relasyon ay parang nabasag na salamin. Mas mabuti pang itapon na, kesa masugat ka ng bubog sa pag-pilit na ayusin ito.

Tanungin mo ang sarili mo. Masasabi mo bang nagawa mo na lahat para maayos ang relasyon nyo? Kung ang sagot ay "Oo", at walang pagbabago, wag ka nang magpakabobo.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

"Ang buhay ng tao ay parang gulong. Minsan nasa taas, minsan nasa baba, minsan iniihian." -MgaEpal.com

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

"Bahala na ako." -Batman

"Ang unang hakbang sa katuparan ng pangarap... ay pagkakaroon ng pangarap." -MgaEpal.com

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

"Walang bagay na walang kwenta sa taong malawak ang kaalaman, matindi ang imahinasyon, at umaapaw ang diskarte ng utak." -MgaEpal.com

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Magpapatali ka ba sa limitadong pagtuturo ng iba, o magiging dakila sa pagtuklas ng mas malawak na kaalaman?

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

"Mas maganda tingnan ang pagtubo ng halaman na tinali at sapilitang hinubog ang mga tangkay, pero mas nagbubunga ang halaman na lumago ng malaya." -MgaEpal.com


"May mga kaalaman na naituturo ng kabiguan na hindi kailanman maituturo ng tagumpay." -MgaEpal.com

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

"Ang tagal ko nang nagpaparamdam sayo, hindi mo naman ako pinapansin... Manhid ka ba?!" -Multo

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

‎"Ang pagiging gago minsan ay pagiging gago habang buhay, dahil ayon kay Ariel Rivera, ang minsan ay magpakaylanman."

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

"How well a person can fluently converse in English should not be a basis of one's intelect." -MgaEpal.com

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Mga Pilipino nga naman, makarinig lang ng nag-i-english tingin nila matalino na yung taong yon. Magpapakahirap mag-english, kahit hindi sanay para lang magmukang matalino din. Baket, sa tingin mo ba matalino LAHAT ng Americano? Ulul!

Hindi naman masama mag-english, wag mo lang tingalain ang utak ng nag-i-english, dahil ang karunungan ay pwedeng iprisinta ng iba't-ibang lingguahe at ang kamangmangan na idilohiya ay maaari ding sabihin in english.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

"Kung pareho naman kayong marunong magtagalog ng kausap mo, baket kailangan nyo pang mag-english? Lalakasan nyo pa ang boses nyo para marinig ng iba, ano yan pasiklab? Pakiramdam nyo sikat na kayo pag nag-i-english kayo? Dapat ba magpa-autograph na ang mga nakakarinig ng pag-uusap nyo? Pangpacool ba yan? So cool na kayo nyan? Wow cooool." -MgaEpal.com