MgaEpal.com True Stories : Paso

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

"Wag magpi-prito ng manokhabang walang suot na t-shirt, kung ayaw mong matalsikan ng mainit na mantyika sa tiyan. Kung sakaling mangyari sayo ito, siguraduhin mo lang na wala si "Manong Guard" kung ayaw mong mabuhusan ng malamig na beer." -"Kulturantado"

Moderate inuman session... tamang tambay lang.... Sa bahay nila "Bunso".

Hapon pa lang nag-iinuman na sila "Manong Guard", "Bunso", "Boss Chip", at "Kulturantado. Pagpatak ng mga alas-syete ng gabi...

"Bunso": Kain tayo. Nagugutom nako.

"Manong Guard": Oo, gutom na rin ako. Ano bang meron jan?

"Bunso": Wala 'e. Kung gusto nyo padiliver na lang tayo.

"Boss Chip": Saan? Gusto ko yung may kanin, ayoko ng mga burger-burger. 

"Kulturantado": Luto na lang tayo kung anong meron jan. Kahit delata lang.

"Bunso": Wala, hindi pa nakakabili. Meron jan manok, kaso frozen.

"Manong Guard": Yun naman pala 'e. Ok lang yun, madali lang i-defrost yun.

"Boss Chip": Oo nga, tapat mo sa electric fan. Mas mabilis madefrost yun kesa ibabad sa tubig.

"Bunso": Sino magluluto?

"Boss Chip": Oist, ako na madalas nagluluto pag pulutan, bahala na kayo jan.

"Bunso": Manok namin yun...

"Manong Guard": Ako nakaisip ng idea.
"Kulturantado": Kapal ng muka mo, ako nakaisip.

"Manong Guard": 'O edi ikaw magluto, ikaw pala nakaisip e.

"Bunso": Oo nga naman.

"Boss Chip": Tama.

"Kulturantado": Tang*na saken yung pinaka malaking part. Tara samahan moko. Nakakahiya naman, bigla lang ako mangalkal sa freezer.

"Bunso": Wala namang tao 'e. Akong bahala.

"Kulturantado": Ikaw na lang, samahan moko...

"Manong Guard": Sige na nga. Basta saken yung pangalawang malake na part.

Pagdating sa kusina...

"Kulturantado": Hindi naman pala masyadong frozen 'e.

"Manong Guard": Patingin nga. Onga 'no, pwede na yan. Wag mo na lang masyadong lakasan yung apoy para hindi luto yung labas tapos hilaw yung loob.

"Kulturantado": Bawang-asin na lang 'to 'no?

"Manong Guard": Wala bang breadings?

"Kulturantado": Hayup naman sosyal!

"Manong Guard": Teka balik ako. Kuha lang ako ng beer. 

"Kulturantado": Paki kuha din ako isang yosi.

Nung mainit na yung mantika...

"Manong Guard": Ok na yan, lagay mo na.

"Kulturantado": Teka, paki tapon nga 'tong yosi ko sa labas.

Hindi gaanong dinefrost ni "Kulturantado" yung manok. Mas may yelo pa yung loob ng manok at mas malakas ang talsik ng mantika pag matubig ang karne, kaya...

"Kulturantado": Araaay put*ngina!!! Tang*na ang init!!! Gagong manok 'to pinaso yung tiyan ko!!!

Saktong kakapsok pa lang ulit ni "Manong Guard" sa kusina kaya para 
saklolohan ang napasong kaibigan, inalog nya yung bote ng beer tapos...

"Pshhhhhhhhhhhhhh"

"Kulturantado": Tangina ang lamig gago ka!!!

"Manong Guard": Ayos lang yan, para nga malabanan yung init nung mantika! 

"Kulturantado": Gago ka wala kang manok! 


Normal naman siguro maghinalang pinagtripan ka kung napaso ka ng mainit na mantika sa tiyan,
tapos para makontra ang init, binuhusan ka ng malamig na beer... sa muka.

MgaEpal.com True Stories : Katutak

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Naging ugali na namin magtoka ng gawain tuwing nag-a-out of town. May magluluto, may tagabili ng supply, may taga timpla ng chaser at taga biyak ng yelo para sa inuman. Oo, mahirap man paniwalaan dahil ang sosyal-sosyal namin, ginagawa namin ang mga manual labor na yan. Pero ang pinakatatamaran naming gawin ay maghugas ng plato. Wala naman kaming angal maghugas ng plato, kaso kung pati plato ng iba, nakakatamad lang talaga. Naging usapan na namin na kung sino ang huling matapos kumain, yun ang maghuhugas ng plato ng lahat. Hindi namin alam kung mahina ba ang panga ni "Bunso" o talagang mas masiba lang si "Kulturantado", "Boss Chip", at "Manong Guard" kumain dahil madalas, si "Bunso" ang nahuhuling kumain at naghuhugas ng mga plato.

Babala: Wag gagayahin ang usapang ganito kung ikaw at ang tropa mo ay madalas mabilaukan. Talent ang matapos kumain within 5 minutes.


Out of town... 5 years ago... Sa Cavite... Katatapos lang mananghalian... Naghuhugas ng mga pinagkainan si "Bunso" dahil nahuli na naman syang kumain... Lumapit si "Boss Chip" kay "Bunso". Tutulong sana.

"Boss Chip": Tangi*a naman tulungan na nga kita... pero mukang sanay na sanay ka naman jan, kaya mo na yan 'no?

"Bunso": Hindi gago, dali na tulungan mo nako para mas mabilis matapos.

"Boss Chip": Abnoy ka kasi, bagal mong kumain lagi.

"Bunso": Sosyal ako 'e. Ganun talaga.

"Boss Chip": O' gago ikaw maghugas mag-isa mo, sosyal pala ha...

"Bunso": Sige na. Ako nalang magsasabon, ikaw magbanlaw.

"Boss Chip": Sige sige... Dito mo ilagay sa kanan yung mga plato pagtapos mong sabunin... Hoy! aksayado ka sa sabon ah! Ba't ang dami mong nilalagay na liquid soap???

"Bunso": Para mas mabilis.

"Boss Chip": Pareho lang yan kahit konting sabon lang!

"Bunso": Ayos na yan, para tuloy-tuloy, pahid lang nang pahid. Wala na din 'e, nalagay ko na sa sponge, alangan namang ibalik ko pa sa bote...

"Boss Chip": Abnoy ka kasi... hindi mo ba narinig? Sabi sa T.V., "Isang patak, kaya ang isang katutak!"

"Bunso": 'O edi madaming patak, kaya ang madaming katutak!

"Boss Chip": Madaming katutak pala ha, leche maghugas ka mag-isa mo...

"Bunso": Hindi na! Isang katutak lang! Huy!!!

MgaEpal.com True Stories : Janitorial Joke

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

"Kulturantado", "Bunso", at "Boss Chip" pagkagaling sa bahay ni "Bunso" dumerestso sa SM Centerpoint. CR daw muna...

Pagpasok ng CR nagkanya-kanyang direksyon ang punta. Si "Bunso", umihi sa urinal. Si "Boss Chip", naghugas ng kamay sa lababo. Si "Kulturantado" umihi sa loob ng cubicle. Dahil si "Boss Chip" lang ang hindi busy sa pag-ihi, sya lang ang nakakita sa paglapit ng isang janitor sa isa pang janitor na nagbabanlaw ng mop.

Biglang nagsalita ang janitor na lumapit, at dahil tahimik sa loob ng CR, kahit umiihi pa ang dalawa, maririnig din ni "Bunso", at "Kulturantado" ang sasabihin nung janitor... magjo-joke pala si loko.

Janitor 1: May dalawang magkaibigan, tapos tinanong nung isa yung isa... "Brad, bading ka ba?"

(Napalingon yung isang janitor at napangiti pero tuloy parin sa pagbabanlaw ng mop.)

Karugtong ng joke ni Janitor 1: Sumagot yung isa... "Sa tagal nating magkaibigan, pinaghihinalaan mo pako?". Tapos sabi nung isa, "E' may mga nagsasabi kasing bading ka daw."

(Sa mga oras na yun, nakabukas parin ang gripo sa lababo pero tapos na maghugas ng kamay si "Boss Chip" at nakikinig lang sa joke. Si "Bunso" naman ay nagpapanggap na umiihi parin pero nakikinig lang din. Si "Kulturantado", hindi parin lumalabas sa cubicle, akala namin tumatae, nakikinig na lang din pala sa joke.)
Nagpatuloy sa joke ang janitor: Edi sabi nung isa... "Sige nga kung hindi ka bading, sabihin mo bato!"
"Bato!"
"... Sabihin mo nga latigo!"
"Latigo!"
"O' sige sabihin mo nga batuta!"
"Ahaaayyyy batuta, where?!!"
(Napangiti si "Bunso" na nasa may urinal parin. May tahimik na tawa si "Boss Chip" habang pinapatay na ang gripo. Nakangiti ding lumabas ng cubicle si "Kulturantado". Gagong janitor yan kwela.)

Nung palabas na kami ng CR, apir muna kami kay Janitor 1. Pag tingin namin kay janitor 2 nakasimangot... na-offend siguro sa joke, baka bading.

MgaEpal.com True Stories : Misunderstanding

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Bumili ng soft drinks si "Bunso" sa isang sari-sari store. Tumambay muna at nagyosi. May dumating na ngongo, bibili din ng soft drinks. Ito ang nasaksihan ni "Bunso".

Ngongo: Mamili nan RC (Cola).

Bantay sa sari-sari store: Ng ano?

Ngongo: RC.

Bantay sa sari-sari store: Ay wala na akong RC...

Ngongo: Ahh RC nalang.

Bantay sa sari-sari store: Ha?

Ngongo: RC...

Bantay sa sari-sari store: Hindi wala na ngang RC...

Ngongo: RC... RC nalang. (sabay turo sa isang bote)

Bantay sa sari-sari store: Ahhhh Sarsi.

Umalis agad si bunso kahit hindi pa ubos ang iniinom nya dahil natakot syang baka lumabas pa sa ilong nya ang soft drinks.


(Hindi ito kwento ng panglalait. Ito ay kinailangan mapamahagi dahil sa kakaibang pagkakataon na nagkataon.)

MgaEpal.com True Stories : Sexy I.Q.

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

"Manong Guard"... sa isang fast-food restaurant... kasama ang diniskartehang chickas na bar girl ... ilang taon na ang nakalilipas.

Nagtext si "Sexy " kay "Manong Guard" na magkita daw sila. Nagkita ang dalawa ng 7:30AM at walang mapuntahan kaya naisipang kumain muna sa isang fast-food restaurant. Naka-uniform pa si "chickas na bar girl" dahil papasok sana sa school, kaso tinamad.


Pagkatapos kumain...


"Chickas na bar girl": Tara na...

"Manong Guard": San tayo?

"Chickas na bar girl": Kahit saan.

"Manong Guard": Wala pa tayong mapupuntahan. Masyado pang maaga.

"Chickas na bar girl": Sa bahay nyo...

"Manong Guard": Ayoko, andun ermat at mga kapatid ko. Pero kung gusto mo, magpahinga nalang muna tayo (simpleng pahaging para magmotel)

"Chickas na bar girl": Sige.

"Manong Guard": Hindi ka ba magpapalit muna ng damit? Hindi nagpapapasok ng naka-uniform dun.

"Chickas na bar girl": Onga no... sige bihis muna ako.

"Manong Guard": Dun ka sa 2nd floor magbihis, andun yung C.R.

"Chickas na bar girl": Hindi ba pwede jan? (Sabay turo sa isang pintuan)

"Manong Guard": Sa taas yung C.R. ng babae.

"Chickas na bar girl": Hindi ba pangbabae yan? (Tinuro ulit ang pintuan)

"Manong Guard": Hinde.

"Chickas na bar girl": 'E bat nakaupo? (Tinuro ang sign sa pintuan)

(Eto ang sign na nakakabit sa pintuan.)


Sa maniwala kayo o hindi,.. napigil ni "Manong Guard" tumawa.

MgaEpal.com True Stories : Acquired Knowledge

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

"Boss Chip"... nung grade 5... sa sasakyan kasama ang ate... pauwi galing ischool.

Ate ni "Boss Chip":
Ano sa tagalog ang papaya?

"Boss Chip": Papaya? hmm.. Ano?

Ate ni "Boss Chip": Edi, "Tatay Oo", kasi "Papa-ya"... O ano naman sa tagalog ang Ba-nana?

"Boss Chip": (nag-isip) Ba-nana.. bana-na..... .. Ano?

"Ate ni Boss Chip": Saging. Bobo.


Hindi na nakabawi si "Boss Chip" sa ate nya hanggang ngayon.

MgaEpal.com True Stories : Uhaw

By mgaepals on 08:00

comments (0)

Filed Under:

"Bunso" at "Manong Guard", binisita sa bahay si "Boss Chip"
Nagdoorbell ang dalawa. (pero buzzer ang tunog kaya doorbuzz sya kung tutuusin)
Lumabas si "Boss Chip"...


"Boss Chip": Oh! Balita?

"Bunso": Dumeretso ako sa kanila pagkagaling kong trabaho 'e, naisip namin dumaan dito.

"Manong Guard": Labas ka ng tubig uhaw na kami kanina pa.

"Boss Chip": Bili nalang tayo ng 1.5

"Bunso": Tara.

"Manong Guard": Wag na.

"Boss Chip": Baket? Hindi ka umiinom softdrinks?

"Manong Guard": Umiinom. kaso ang layo 'e

"Boss Chip": Dyan lang sa may simbahan. Tara..

Pag dating sa tindahan walang tao sa loob...

"Boss Chip": Pabili....... tao po..

"Bunso": Wala atang tao 'e.

"Manong Guard": Wala nga. Kaya nga tinatawag para magkatao.

May lumabas na batang babae. (mukang bagong gising sa kanyang afternoon nap) 

Bata: Ano po yun?

"Boss Chip": 1.5 Coke.

Bata: Hindi po malamig

"Boss Chip": ahhh Sige yung maliit nalang... tatlo.

Bata: Hindi din po malamig.

"Boss Chip": Teka ha.. Ano sa inyo? (tinanong ang dalawang kasama)

"Bunso": Sprite meron kayo?

Bata: Hindi malamig.

"Manong Guard": Ayun may Yakult oh!

"Boss Chip": Ang liit nyan e'!

"Bunso": Edi tig isang balot (lima ang laman ng isang balot ng Yakult)

"Boss Chip": Sige Yakult nalang tatlong balot.

Bata: Hindi din po malamig.

"Boss Chip": Hindi din malamig???

"Manong Guard": Kahit ano nalang! Uhaw nako...

"Boss Chip": Ano ba yung malamig dyan?

Bata: Wala. (sabay smile)

Dun lang namin nalaman na masakit pala sa dibdib pag pinigil mong mag-mura.