MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 16

By mgaepals on 08:00

comments (0)

Filed Under:

Dear Kuya Chico,

Itago mo na lang ako sa pangalang Bill. 42 years old na ako pero madaming nagsasabi na muka akong mas bata. Parang 41 years old lang daw ako. Kahit medyo may edad na ako, single parin ako. Nagkakaron ako ng mga girlfriend pero hindi tumatagal ang mga relationships ko. Minsan umaabot lang ng 4 weeks, minsan 1 month, at minsan 2 weeks and 14 days lang. alam kong ako ang may problema kaya hindi nagtatagal ang relationships ko. Naka 15 na syota na ako, imposible namang lahat sila ang may mali. Kaya naisip ko nang humingi ng professional help sa isang psychiatrist. Magaling na psychiatrist si Dr. Manalo. Caring sya sa patient, empathetic sya sa patient, at patient sya sa patient. Madami nang taong natulungan sa psychological problems si Dr. Manalo. Kilala sya bilang isa sa pinaka magaling sa field nya, sayang nga dahil hindi sya ang psychiatrist ko. Napunta ako sa isang psychiatrist na walang kwenta. Nagpakilala sya bilang si Dr. Gerome. San ka naman nakakita ng doktor na first name ang gamit? Nagduda ako pero tinuloy ko ang therapy. Gumastos ako ng libo-libo may butal pang hundreds pero mukang pineperahan lang nung psychiatrist ko ang mga pasyente nya. Parepareho lang ang sinasabi nya sa lahat ng pasyente, at ang nirereseta nya ay dalawang bote ng gin para makalimot daw sa problema. Effective naman, nakakagago lang. Titigil na sana ako sa pagpunta kay Dr. Gerome nang biglang...

Namatay si Dr. Gerome. Ang pumalit sa kanya sa office nya ay isang babaeng psychiatrist, si Dra. Dalisay. Magaling si Dra. Dalisay, kaya lang nadi-distract ako sa legs nya. Sexy kasi sya Kuya Chico. Sexy talaga. As in chikas. Yung mga tipong pag nakita mo, boom! Well anyway, magaling mangilatis si Dra. Dalisay, inaalam talaga nya ang ugat ng problema, kaya mabilis nyang natutulungan ang tao. Lumalim ang pagkakakilanlan nya sa akin nung unang beses pa lang naming magkakilala. Binanggit ko lang na may problema ako sa pag-maintain ng romantic relationships. Napansin nya na hirap ako mag-open up sa ibang tao. Sinabi nyang gagamitan na lang daw nya ng logic ang observation phase ng therapy ko. Sinabi nyang  aalamin daw namin ang ugat ng problema ko sa pamamagitan ng pag-trace ng mga isasagot ko sa tanong nya. Tinanong ko kung pano yon, kaya binigyan nya ako ng example

Tiningnan ako ni Dra. Dalisay. After mga 2 minutes tinanong nya ako kung original daw ba ang "Power Balance" na suot ko. Sabi ko, oo. Tinanong naman nya ako kung naniniwala ba ako sa mga pautot ng "Power Balance". Sabi ko, medyo hinde. Kung ganon daw, ibig sabihin 'e bumibili ako ng mga mamahaling bagay kahit sa tingin ko 'e wala naman itong kwenta. Sabi ko oo. Kung ganon daw, ibig sabihin mahilig akong pomorma. Sabi ko tama sya. Ibig sabihin daw non 'e gusto kong mang-attract ng opposite sex. Sabi ko oo. At kung ang opposite sex daw ay mga babae, ibig sabihin, lalake ako. Sabi ko, syempre. Dun ko naintindihan ang sinasabi ni Dra. na susubukan naming i-trace ang ugat ng psychological problem ko. Halimbawa lang daw yon, pero halos ganon din ang gagawin nya sa therapy sessions ko.

Ginanahan akong magpa-therapy. Nagkaron ako ng pag-asa na maayos ni Dra. Dalisay ang problema ko. Binalak ko din na pag wala na ang commitment issues ko, liligawan ko si Dra. Dalisay.

Akala ko ayos na ang lahat Kuya Chico, pero mas malaking problema pa ang sunod na dumating sa akin. Nawala yung "Power Balance" ko at wala na akong balak bumili ulit. Ibig sabihin yata non hindi na ako mahilig pomorma. At kung hindi na ako mahilig pomorma, ibig sabihin ayaw ko nang mang-attract ng opposite sex. At kung ang opposite sex ay babae, at ayaw ko na ng attraction galing sa kanila, ibig sabihin bading na ako. Sana ay ma-share mo ang kwento kong ito para malaman ng iba na nakakabading ang logic.

Lubos na gumagalang,
Bill


Title: Power Balance

MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 15

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:

Dear Kuya Chico,

Itago mo na lang ako sa pangalang Trina. Para sa mga magulang ko, wala akong ibang dapat gawin kundi mag-aral. Pwede ding matulog, kumain, at maligo, pero pwera dyan, puro aral na dapat. Naaawa tuloy ako sa pwedeng mangyari sa bunso kong kapatid, dahil bata pa lang sya at natatakot ako na baka hindi nya maenjoy ang childhood nya. Buti na lang wala akong kapatid, pero baka kasi magkaron, malay mo lang. Hindi naman buntis ang nanay ko, pero baka lang, in the future. Strict ang parents ko at masyado silang controlling. Hindi ko pwedeng gawin ang isang bagay kung hindi sila papayag. Minsan nakakabuti naman dahil alam kong nakaktulong sa akin ang pinapagawa nila. Kaya kahit sapilitan, sinusunod ko ang mga utos nila. Nasanay na ako sa pakiramdam na walang kalayaan para gawin ang mga gusto ko, at dumating sa punto na sunod na lang ako nang sunod sa mga parents ko para lang hindi magkagulo sa bahay. Mahirap pero maayos ang samahan sa pamilya namin at hindi ko inaasahan na dadating ang araw na mahihirapan ako ng todo sa i-uutos ng magulang ko. Pero nagkamali ako Kuya Chiko, nagkamali ako.

Naging masunurin akong anak mula pa nung magkaisip ako. Nung una, iniintindi ko na lang sila at iniisip ko na concern lang si Mama at Papa, dahil batang-bata pa ako at marami pa akong kailangan malaman at intindihin sa mundo, yan ang totoo, at nagkakamali ako kung akala ko na ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang. Pero umasa ako na pag-graduate ko ng high school, mas magiging maluwag na sila at mas bibigyan nila ako ng pagkakataon magdesisyon para sa sarili ko. Pero hindi pala.

Nung bata ako, pangarap kong maging taga-develop ng film ng camera, pero nung nalaos ang mga camera na may film, nabago ang pangarap ko at gusto ko na lang maging taga-halo ng pintura sa hardware. Pero tutol ang mga magulang ko sa pangarap ko. Pinaglaban ko ang pangarap ko pero sa huli, mga magulang ko parin ang nasunod at napilitan akng kumuha ng kursong dentistry kahit na takot naman ako magpadentist mula pa nung bata ako. 8 times a day nga ako nagtu-toothbrush dahil ayaw kong magkaproblema sa ngipin, para hindi ko kailanganing bumisita sa dentist. Sobrang ayaw ko maging dentist, dahil takot nga ako sa dentista, at dahil hindi sila naghahalo ng pintura sa hardware. Pero pinagtiisan kong pag-aralan ang kurso ko para sa mga magulang ko. Ngayon, malapit na akong grumadweyt, at namumroblema ako. Pano ko gagampanan ang pagiging dentista kung takot ako sa dentista? Anong gagawin ko Kuya Chico? Gusto kong pagbigyan si Mama at Papa at tapusin ang kurso ko, pero ayaw kong maging dentista dahil ayaw kong matakot sa sarili ko. Sana ay mapayuhan mo ako bago mag-graduation day.

Lubos na gumagalang,
Trina

Title: Hardware

MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 14

By mgaepals on 08:05

comments (0)

Filed Under:

Dear Kuya Chico,

Paki tago na lang ako sa pangalang Clifford. Isa akong pilot... ng barko. Alam kong hindi naman pilot ang tawag sa kapitan ng barko pero mas pogi kasi pakinggan ang pilot kesa kapitan. Sa loob ng isang taon, halos walong buwan akong nasa dagat. Dahil sa trabaho ko, kung saan-saang lugar na ako nakarating, tulad ng Tokyo sa Japan, Beijing sa China, Moscow sa Russia, Paris sa France, Nuuk sa Greenland, Warsaw sa Poland, Wellington sa New Zealand, Mickey's Toontown sa Disneyland, Amsterdam sa Holland, Los Angeles sa Lakers, at Bishkek sa Kyrgyzstan. Hindi ko nilalahat, pero may katotohanan sa pagiging playboy ng mga seaman na tulad ko. Ako mismo, amindo akong mahilig ako sa babae. Halos lahat ng lugar na mapuntahan ng barko namin, may natitikman akong chicks. Binigyan nga ako ng nickname ng mga katrabaho ko, tinatawag nila akong "Jake", wala lang, bagay lang daw sa muka ko ang pangalan na Jake.

Kahit malayo ako sa mga kamag-anak at kaibigan ko, masaya ako sa trabaho ko. Nakakapunta na ako sa iba't-ibang lugar, malaki pa ang sweldo. Madami na din akong naging kaibigan sa barko, kaya mabilis makalimot sa homesickness. May isa lang akong dilemma Kuya Chico. Binabangungot ako tuwing natutulog ako. Hindi ko makwento ang napapanaginipan ko sa mga katrabaho ko dahil baka mailang sila. Hindi ko alam kung baket Kuya Chico, pero lagi akong nananaginip na may kahalikan ako. Ok lang sana kung magandang babae ang kahalikan ko, kaso hinde. Kahalikan ko sa panaginip ko, si Gerald Anderson! Hindi ko alam kung baket, dahil hindi naman ako napopogian kay Gerald Anderson. Hindi naman sya panget pero baka hindi ko lang sya type dahil... lalake ako! Pinigilan ko nang matulog para hindi ko na mapanaginipan yon. Pero alam kong dadating ang oras na matatalo ako ng antok.

Nakaisip ako ng paraan para hindi na ako mamroblema sa panaginip kong yun. Naisip kong magiging bading na lang ako para maenjoy ko yung panaginip. Pero hindi pala madali maging bading Kuya Chico. Ginawa ko na ang mga bagay na makakatulong para maging bading ako. Nanood ako ng Project Runway, nag-interior design ako ng kwarto ko, naglagay ako ng pa-sweet na status sa facebook, nagsuot ako ng skinny jeans, naglaro pa nga ako ng volleyball. Pero kahit gatiting na kabadingan, hindi ko naramdaman. Sana ay mapayuhan mo ako kung pano maging ganap na bakla bago ako makatulog, dahil baka hindi na lang kiss ang gawin namin ni Gerald Anderson sa panaginip.

Lubos na gumagalang.
Clifford


Title: Volleyball

MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 13

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:

Dear Kuya Chico,

Itago mo na lang ako sa pangalang Christopher. Pero pwede mo din akong itago sa pangalang Christoph, for short. Kung gusto mo, kahit itago mo ako sa pangalang Chris, ok lang. May kakaibang sakit ako. Masayahin akong tao pag Mondays, Wednesdays, and Fridays, pero sa ibang araw sobrang depressed ko. Wala namang dahilan para ikalungkot ko, basta sobrang lungkot ko lang tuwing Tuesday, Thursday, Saturday, at Sunday. Sinubukan kong uminom ng sleeping pills tuwing malungkot na araw ko para itulog ko na lang ang depression, kaso ang lungkot naman ng mga panaginip ko. Mas maraming araw na malungkot ako kaya natutunan ko nang mag-adjust sa mga sitwasyon na ganon. Bumabawi na lang ako tuwing mga araw ng kasiyahan ko. Natutunan ko ding wag manuod ng comedy sa sine tuwing mga araw ng kalungkutan ko dahil sayang ang bayad. Dahil mas wala akong gana gumawa ng mga bagay-bagay pag malungkot ako, nililista ko na lang ang mga kailangan kong gawin, at ginagawa ko na lang sila pag masaya ako. Tulad ngayon, kaya ako nakasulat sayo dahil masaya ako. Habang tumatagal, natututunan kong tanggapin ang malabong kalagayan ko. Pero sobrang naapektohan ako nung simulan kong ligawan si Patrice.

Si Patrice ay kapitbahay namin. Nakay Patrice na lahat ng hinahanap ko sa isang babae. Maganda sya, mabait, masipag, hindi tulo laway pag natutulog, matalino, understanding, at higit sa lahat, masayahin. Natuwa ako nung pumayag syang magpaligaw. At nung sinagot niya ako, ang saya ko siguro dapat nun, kaso Sunday yun. Sinabi ko agad kay Patrice ang kalagayan ko at naunawaan naman nya. Ang problema ko ngayon kuya Chico, mas gusto ni Patrice pag malungkot ako. Tuwing masaya ako, naiirita sya sa akin. Pag malungkot naman ako mas malambing sya at mas natutuwa. May pagka-sadista ata yung babaeng yon. Hindi tuloy kami magkasabay na masaya. Natatakot ako na baka maging dahilan yon ng paghihiwalay namin. Sinubukan ko na ngang magpanggap na malungkot ako palagi, at nagpractice akong sumimangot. Nanuod ako ng Going Bulilit dahil magandang pangpractice ng kalungkutan ang mga jokes nila. Naging ok naman ang plano ko dahil tuwing nagpapanggap lang akong malungkot, in reality, pareho kaming masaya ni Patrice. Sa ngayon tinutuloy ko lang ang pagpapanggap at pinipigil ko kapag natatawa ako, para kahit Mondays, Wednesdays, and Fridays lang, masaya kami pareho. Pero gusto ko paring malaman Kuya Chico, may gamot ba sa ganitong sakit? Kung wala, anong gagawin ko sa sitwasyon namin ni Patrice? Sana ay mabigyan mo ako ng sagot agad, dahil nagyayaya si Patrice manuod ng Justin Bieber concert sa DVD, at hindi ko alam kung kakayanin kong pigilin tumawa.

Lubos na gumagalang,
Christopher, o kaya Christoph for short, pero pwedeng Chris lang


Title: Concert

MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 12

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Dear Kuya Chico,

Itago mo na lang ako sa pangalang Renfield. Isa akong professional 3rd place winner sa mga singing contest. May mga nagsasabi na hindi daw ako magaling kumanta dahil lagi lang daw akong 3rd place. Hindi siguro nila naisip na mas madali lang kunin ang 1st place, pero ang timplahin ang boses mo para siguradong 3rd place lang ang makuha mo ay sobrang hirap. Araw-araw akong nagpa-practice para ma-maintain ang mejo maganda lang na boses. Nagtataka ang nanay ko kung baket ayaw ko maging 1st place sa mga singing contest. Hindi naman sya nagtatanong pero kutob ko lang, nagtataka yun. Ang totoo nyan, gusto ko naman maging 1st place, kaso natatakot akong madiscover dahil ayaw kong maging sikat na singer. Ayaw kong maging sikat na singer dahil gagawin ka din nilang artista at pasasayawin tuwing Sunday. Hindi ako marunong umarte at sumayaw Kuya Chico. Nagtuloy-tuloy parin ang pagiging 3rd place winner ko sa iba't-ibang singing contest sa buong Pilipinas. Maayos ang takbo ng buhay ko hanggang isang araw...

Gabi pala. Nilagnat ako, at pinagbawalan ako ng doktor kumanta dahil kailangan ko daw magpahinga. Dalawang araw na pahinga lang naman daw ang kailangan ko kaya ok lang. Dalawang araw pa din naman bago ang susunod kong singing contest. After 2 days, masigla na ako ulit at ready na para lumaban. Espesyal ang contest na yun dahil sakto sa birthday ng nanay ko ang date na yun. Bago ako magsimula dinedicate ko sa nanay ko yung kanta. Napili kong kantahin ang Happy Birthday. Batak na ako sa mga contest kaya hindi na ako kinabahan, pero nasobrahah ata ako sa self confidence dahil nabigo akong makuha ang 3rd place. Malaki pala ang epekto ng dalawang araw na hindi ako nakapag-practice. Nanalo ako Kuya Chico. Sa di inaasahang pangyayari, nakuha ko ang 1st place. Yun na yata ang pinaka malungkot na moment ng buhay ko. Pakiramdam ko nun, gusto ko nang mamatay. Pero sabi nga nila, everything happens for a reason, kaya naging matatag ako at tinanggap ang katotohanan.
Awa ng Diyos, hindi naman ako nadiscover at hindi ako sumikat. Mas pinag-igi ko ang pagpapractice at ngayon ay puro 3rd place na ako ulit. Sana ay mapulutan ng aral ng mga readers mo ang kwento ko at malaman nila na hindi tayo bibigyan ni Lord ng blessing na hindi natin kayang lampasan.

Lubos na gumagalang,
Renfield

Title: Happy Birthday

MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 11

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Dear kuya Chico,

Itago mo na lang ako sa pangalang Ambet. May tatlong taon na mula nung grumadweyt ako ng college. Nagtapos ako ng course na nursing sa isang hospital na naki-uso at naging nursing school para pagkakitaan ang mga taong tulad ko na nag-akala na magiging in demand ang mga nurse hanggang sa ibang planeta. Nung grumadweyt ako, naghanap agad ako ng trabaho dahil agawan sa bakanteng spot ang mga bagong nurses. Sa kabutihang palad, napasama ako agad sa listahan ng mga under consideration para maging resident nurse sa isang hospital. Pang 472 daw ako sa listahan at tatawagan daw nila ako agad pag nagkaron ng opening. Pag siniswerte ka nga naman.

Habang nag-aantay ako na matawagan, hindi ako lumalabas ng bahay. Iniisip ko kasi na baka magkaron ng opening dun sa hospital, at pag tinawagan nila yung 471 na nauna sa akin baka busy lahat ng land line nila, at sana low bat ang cellphone nilang lahat. Pero makaraan ang 2 days, nawalan na ako ng pag-asa. Sinubukan kong maghanap ng trabaho sa internet. May mga opening na nursing position sa ibang bansa kaso ang gusto nila ay yung may 2 years experience. Naisip ko tuloy maging volunteer nurse sa mga hospital na nang-e-exploit ng mga nurse na nangangailangan ng experience para makapagtrabaho sa ibang bansa. Sinuwerte naman ako dahil ok ang napasukan kong hospital bilang volunteer nurse. May libreng bananacue tuwing Thursday, at walang bayad gumamit ng CR.

Isang araw, habang on duty ako sa hospital, tumawag ang mama ko. Ibebenta na daw nila ang bahay at lupa namin sa Laguna at gagamitin nila ang pera sa pagreretiro. Gusto daw kasi nilang ma-enjoy ang buhay. Naging mabait at mapagmahal ang mama at papa ko. Nag-iisa akong anak kaya spoiled ako. Ngayon na malaki na ako, panahon na siguro na sila naman ang magpasarap. Kaso wala akong mamanahn, badtrip.

Every month, nagpapadala ang mama at papa ko ng mga postcard kung saan na sila nagbabakasyon. May post card galing Mexico, Australia, Jamaica, Quiapo, London at iba pang lugar. Kahit naiinggit ako sa kanila, natutuwa din ako dahil muka silang masaya. Hinihiling ko gabi-gabi ang kaligtasan nila at pinagdarasal ko na sana ay pinagdadasal din nila ako.

Nung makuha ko ang 2 years experience na kailangan para makapag-nurse sa ibang bansa, akala ko madali na. Pero dahil hindi na ganon ka in demand ang nurses at madami na din ang bansa na nagmamanufacture ng nurses lumipas ang isang taon na wala akong ginagawa. Napagpasyahan ko na magtrabaho sa call center para matustusan ang pangangailangan kong magpost sa Facebook ng pictures na nagbabakasyon ako at gumigimik. Akala ko magiging routine na ang buhay ko at wala na akong ibang gagawin kundi magtrabaho nang biglang...

Tumawag si mama. May promo daw ang susunod nilang bakasyon. Buy 2 tickets get 1 free. Baka may kilala daw ako na gustong sumama sa kanila. Muntik ko nang murahin si mama. Sinabi ko na ako na lang ang sasama. Natuwa si mama at sinabing bukas na bukas din ay ipapadala nya ang ticket. Nung dumating ang ticket, nakita ko na sa Tibet pala kami pupunta. Nag-empake ako agad at nagpaalam sa opisina.

Pagdating sa Tibet, sinalubong ako ni mama ng yakap, si papa, apir lang daw dahil ayaw daw nya ng affection in public. Pero hindi ako nakatiis at niyakap ko si papa. Niyakap din naman nya ako bago nya ako sinikmurahan. Doon sa Tibet, enjoy lang kami. Kain sa labas. Kuhaan ng picture para sa Facebook. Punta sa mga tourist spots. Sa huling araw ko sa Tibet, niyaya ako nila papa sa isang temple. Madaming turista sa temple, at sa labas ay may nakita akong matandang nagbebenta ng mga lumang libro. Mga libro daw ito ng self awakening at realizations. Binili ko agad dahil libre naman ni papa.

Pag-uwi ko sa Pilipinas, balik trabaho na naman ako. Isang madaling araw, kararating ko lang sa inuupahan kong condo, nakaramdam ako ng gutom. Pandesal lang ang nakita ko at para mapasarap, nagtimpla ako ng kape. Nung matapos akong kumain, naalala ko na hindi pala ako dapat uminom ng kape dahil hindi ako makakatulog. Naisip kong magpaantok muna sa may terrace. Nagyosi muna ako, at para mapasarap, nagtimpla ulit ako ng kape. Lumipas ang dalawang oras at hindi parin ako inaantok. Naalala ko yung librong binili ko sa Tibet. Inisip ko na sana boring yung libro para antukin ako. Pero mali pala ang ginawa ko dahil sobrang nagustuhan ko ang pagbasa nung libro. Sinimulan ko sa simula, at natapos ako nung nasa katapusan na. Madami akong natutunan sa libro. Pero ang pinaka tumatak sa utak ko ay ang pagiging praktikal. Hindi daw mabubuhay ang tao kung pura materyal na bagay lang ang gugustuhin nya.

Lumipas ang ilang araw Kuya Chico. Pinag-iisipan ko parin ang mga nabasa ko. Naisip ko na ang dami kong ginagastosan na hindi ko naman kailangan. Naisip ko din na yung mga sinaunang tao naman ay hindi naman maluho pero kinaya naman nila mabuhay. Alam kong kaya ko din mamuhay ng simple kaya nagkaron ako ng idea para sa isang life-changing experience. Magiging caveman ako.

Hindi na ako magtatrabaho at manghuhuli na lang ako ng hayop para kainin. Mamimitas na lang ako ng mga prutas at gulay. Hindi na din ako bibili ng mga damit, at bahag o kaya balat ng hayop na lang ang isusuot ko. Pwede kong gawing damit ang balat ng wolf, cow, lion, bear, o kaya bangus. At titira lang ako sa cave. Madami na ang nagsabi na kalokohan ang kagustuhan kong maging caveman, pero sigurado na ako na ito ang gusto ko. Kailangan ko lang ng tulong mo Kuya Chico. Saan ba merong pwedeng upahan na kweba? Kahit 2 bedroom lang, basta may parking. Sana ay mabigyan mo ako ng sagot sa lalong madaling panahon.

Lubos na gumagalang,
Ambet


Title: Tibet

MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 10

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Dear Kuya Chico,

Itago mo nalang ako sa pangalang Nestor. Sa murang edad ko ngayon na 18 years old, masasabi kong mas malawak pa ang aking karanasan sa buhay kumpara sa mga 19 years old. Noong 4 years old ako ay nagtrabaho na ako bilang magbobote para masuportahan ang pagpasok ko sa daycare center, at hanggang ngayon na nasa kolehiyo na ako, sariling kayod parin ako para sa tuition fee ko. Madami na akong napasukang trabaho. Nandyan na ang pagiging karpintero, masahista, kargador, event organizer, at mascot. Pero masasabi kong ang trabaho ko ngayon ang pinaka nagustuhan ko. Isa ako ngayong manghuhula sa Quiapo. Sa umaga ay pumapasok ako sa school at sa gabi naman ay dumideretso na ako sa Quiapo. Masaya ako sa trabaho ko ngayon dahil wala akong boss, hawak ko ang oras ko, at pag ayaw kong pumasok, pwede. Isang cold summer night, tahimik akong nanghuhula sa pwesto ko sa Quiapo nang biglang...

May tumambling papunta sa pwesto ko. Nagpakilala sya bilang si Waldo. Isang matabang lalake na mukang kontra bida pero adorable. Hinihingian nya ako ng tong. Kung ayaw ko daw mawalan ng pwesto sa Quiapo, kailangan ko daw magbigay ng 12 pesos sa bawat customer na magpapahula sa akin. Kwinenta ko ang lahat. Normal na 5 hanggang 7 na customer ang nagpapahula sa akin araw-araw, at sa 12 pesos kada customer, 60 pesos hanggang lagpas 60 pesos ang ibibigay kong tong araw-araw. Halos 21,900 pesos yun sa loob ng isang taon! Dagdag pangkain ko na yun. Pangbili ko na ng bagong uniform yun. At maraming iced green tea latte na din yun. Kaya tumanggi ako kay Waldo. Tumawad ako na baka pwedeng 11 pesos nalang ang ibigay ko per customer na magpapahula. Pero naging mahigpit si Waldo at sinabi nyang hanggang 11.50 pesos lang daw ang tawad. Dahil hindi kami magkasundo ni Waldo, kinapitan nya ang kwelyo ng sando ko at pinitik nya ako sa balikat. Sa susunod daw na magmatigas ako, hindi lang daw yun ang aabutin ko. Nanginginig ako sa takot na tumakbo at iniwan ko na ang cutomer ko nun kahit hindi ko pa sya tapos hulaan. Apat na araw na ang nakalipas mula nung huling punta ko sa Quiapo, at iniisip ko kung papayag nalang ba ako sa hinihinging 11.50 pesos na tong dahil maskit pumitik si Waldo. Hindi ko naman alam kung kanino ako pwedeng humingi ng tulong. Gusto ko sanang magsumbong kay Ben Tulfo kaso hindi ko alam ang number nya. Kung pwede Kuya Chico ay ikaw nalang ang maghanap ng number nya sa google dahil hindi ko talaga makita. Kahit email address lang ni Tufo ok na. Sana ay mapadala mo ang contact number ni Ben Tulfo sa akin bago umalis yung customer na iniwan ko sa Quiapo para matapos ko na ang panghuhula sakanya at makuha ko ang bayad nya.

Lubos na gumagalang,
Nestor


Title:
"Hula"

MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 9

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Dear Kuya Chico,

Itago mo nalang ako sa pangalang Kenny. Isa akong HRM student. Kinuha ko ang kurso na ito dahil magaling ako magluto ng breakfast. Matataas ang grade ko sa lahat ng subjects ko at akala ko ay magiging mataas din ang grade ko sa Foreign Language class namin na nagtuturo ng Japanese. Akala ko nung una ay magiging madali para sakin matuto ng Japanese dahil mahilig naman ako manuod ng Japanese shows tulad ng Dragon Ball Z, Shaider, Slam Dunk, Voltes Five, at Takeshi's Castle. Pero nagkamali ako Kuya Chico... nagkamali ako.

Unang naging malinaw sa akin na wala pala akong alam sa Japanese noong unang exam namin sa Foreign Language. Pinasulat kami ng teacher namin ng limang Japanese words at ilagay daw namin sa tabi nito ang ibig sabihin nito sa English. Wala akong maalala sa mga napag-aralan namin kaya umasa nalang ako sa mga natutunan ko sa mga napanuod kong Japanese show. Sinimulan kong mag-isip. Ang una kong sinulat ay ang madalas kong marinig sa Slam Dunk, "Reboundo" na ang ibig sabihin ay rebound. Ang sumunod na sagot ko ay "Voltes Fayva" na ibig sabihin ay Voltes Five. Pangtlong sagot ko ang "Kame Hame Wave" na ang ibig sabihin sa english ay Haduken. Ang pang-apat kong sagot ay "Igeeee" na ang ibig sabihin ay "attack Master Takeshi". At ang huli kong sagot ay "Babilos" na ang ibig sabihin ay "come here airplane". Lahat ng kaklase ko ay pasado sa exam, ako lang ang nakakuha ng zero. Naniniwala ako na hindi nagbibigay si God ng pagsubok na hindi natin kayang lampasan. Sana si God nalang ang naging teacher ko.

Kung alam ko lang na hindi pala ako matututo ng Japanese na kakapanuod ng Japanese shows sana ay nakinig nalang ako ng JPOP. Baket naman kasi salita sa Japan pa ang napiling ituro sa Foreign Language class namin? Sana salita nalang sa Australia, o kaya salita sa United Kingdom, o kaya salita sa America, o kaya salita sa New York, o kaya salita sa Antipolo. Sa loob ng dalawang linggo, wala na akong kinain kundi Remen at sushi pero hindi parin ako natutong magsalita ng Japanese. Sinubukan ko na din gumamit ng chopsticks sa pagkain para lang matuto ng Japanese, kahit sabaw ginamitan ko ng chopsticks pero wala parin. Ngayon ay may naisip akong paraan na sa tingin ko ay siguradong matututo na akong Japanese. May isa lang akong katanungan Kuya Chico. San ba nakakabili ng lampin na gamit ng mga sumo wrestler? Sana ay mabigyan mo ako ng sagot bago kami mag-exam ulit.

Lubos na gumagalang,
Kenny

Tittle: Ramen

MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 8

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

Dear Kuya Chico,

Itago mo nalang ako sa pangalang Annie. Isa akong part-time masahista sa isang "adult massage parlor", pero tuwing umaga ay sa bakery ako nagtatrabaho bilang part-time panadera. Ako ang panganay sa amin kaya kailangan kong magtrabaho para mapag-aral ang bunso namin. Ako din ang bunso dahil wala naman akong kapatid, kaya pagkatapos kong magtrabaho sa bakery ay dumideretso na ako sa school. Sa edad na 17 years old, mahirap para sa akin na pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral. Buti nalang hindi ako 17 years old. Ako ay 21 years old at graduating student sa kursong Accounting. Minsan ay iniisip kong itigil nalang ang isa sa part-time na trabaho ko dahil pareho naman silang tig-apat na oras, pareho din naman ang sweldo, at pareho naman ang ginagawa ko at ang pinagkaiba lang ay, sa bakery, tinapay ang minamasahe ko at hindi humihingi ng "extra service" ang tinapay.

Nung nakaraang buwan ay titigil na sana ako sa pagmamasahe, kaya lang may nakilala akong customer na gwapo at mabait at gusto daw nya na ako lagi ang magmasahe sakanya. Dahil gusto kong lumalim ang pagkakakilanlan sakanya hindi muna ako nag-quit. Yung trabaho ko nalang sana sa bakery ang ititigil ko pero may nakilala din akong customer na gwapo din at mabait. Nagustuhan nya ang luto kong tinapay "Miss, ang sarap ng monay mo." ang sabi nya. Kaya lang pagkatapos nya sa monay ko, gutom parin sya, kaya bumili sya ng isang putok. Nabitin daw sya sa isang putok kaso wala na syang pera, kaya habang walang nakatingin ay pinagbigyan ko pa sya ng isang libreng putok.

Naguguluhan ako ngayon Kuya Chico kung ano ang iiwanan ko na trabaho. Si Danny nga pala yung gwapo at mabait na customer na minamasahe ko, at yung gwapo at mabait na customer ko sa bakery ay si Danny din. Ang iniisip ko lang, kapag nag-quit ako sa bakery, hindi ko na mabibigyan ng libreng putok si Danny, pero kung sa pagmamasahe naman ako mag-quit, lagi nang libre ang mga putok ni Danny. Sana ay mapayuhan mo ako Kuya Chico.

Lubos na gumagalang,
Annie

Tittle: Putok

MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 7

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Dear kuya Chico,

Ako si Ronaldo. Hindi ko alam kung baket, pero dahil lahat ng sumusulat sayo ay nagpapatago sa ibang pangalan, itago mo nalang din ako sa pangalang Ronaldolicious. Isa akong club promoter sa isang super-duper-ultra-mega-califragilistic club dito sa Ortigas. Kokonti lang ang nadadala ko sa club na mga wild-wild party goers. Hindi ko alam kung masyado ba akong intimidating kaya hindi nila nagugustuhan ang invites ko. Sinubukan ko na nga maging mild mannered na tao para hindi naman sila ma-star struck sa presence ko, pero mukang masyado akong the main man in the place to be, kaya nahihiya sila. Iniisip siguro nila hindi sila karapat-dapat na makasama ko. Ang sad 'no? Kaya eto ako ngayon Kuya Chico, sumusulat sayo dahil alam kong madaming nakakabasa ng mga liham sayo, at madami sigurong maiinvited sa event ko. At kahit mukang hindi ka sosyal at maski na hindi ka din karapat-dapat na makasama ko, ay iniimbita kita sa event ko. Basta wag ka lang masyadong magdididikit sakin dahil baka maturn off ang mga may hidden desire sakin. Sana ay matulungan mo akong magpromote ng event na inorganize ko na may title na "Beauty and the Handsomes", at promise ko na libre na ang entrance free mo. Alam kong hindi ka makapaniwala na sumulat ang isang katulad kong cool guys, sa isang katulad mong hindi cool guys. At alam kong winiwish mo na sana ay hindi na matapos ang sulat ko na 'to dahil sobrang cool ko na super clubber, pero pasensya ka na dahil mamimitas pa ako ng santol.

Mejo gumagalang,
Ronaldolicious


Title: Super Clubber

MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 6

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Dear Kuya Chico,

Itago mo nalang ako sa pangalang Helga. Isa akong yoga instructor ng yoga class sa isang yoga house ng isang yoga club. Dahil na din sa klase ng trabaho ko, masasabi kong maganda ang hubog ng katawan ko. At hindi naman sa pagmamayabang, pero maganda din naman ako, at sa tangkad na 5'10, madami ang nakakapuna sa akin. Hindi ako selosa dahil mataas ang confidence ko sa sarili ko. Pero kabaliktaran naman ang boyfriend kong si Matt dahil halos lahat ng lalakeng makausap ko ay pinagseselosan nya. Ang pinaka huling pinagselosan ni Matt ay isang lalake na hindi ko naman kaclose, tinulungan lang ako nung lalake magpark at nagalit agad si Matt. Baket daw kinakatok nung lalake yung kotse ko, at ano daw yung inabot ko sa lalake? Kung hindi ba naman sya tanga... parking boy yun, malamang aabutan ko ng barya. Sa paulit-ulit na pagseselos ni Matt, unti-unting nalayo ang loob ko sa kanya. Tuwing magkikita kami, imbis na maging masaya nalang ang pagkikita namin, nauubos ang oras sa kakasermon nya sakin. Pilit kong tiniis ang pagseselos nya pero napuno na ako nung nasira nya ang isang espesyal na gabi. Inimbita ko na maging escort ko si Matt sa Golden Anniversary ng mga magulang ko, at maayos naman ang naging salo-salo sa bahay nila mommy at daddy nang biglang...

May narinig kaming sigawan na galing sa labas ng gate. Dahan-dahan kaming nagtakbuhan ng mga kamag-anak ko palabas ng gate at ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko inasahan. Nakita kong nakikipagsuntukan si Matt sa lalakeng pinagselosan nya. Ang buong away ay nasaksihan ng mga kamag-anak ko at sa pagkakataon na yun ay nagdesisyon ako na hindi muna makipagkita kay Matt para makapag-isip.

Tatlong buwan naging "it's complicated" ang status ko, at akala ko ay hindi na ako magiging masaya. Pero mapaglaro ang tadhana. Nakatanggap ako ng friend request sa Facebook mula sa isang lalake. Hindi ko kakilala ang lalake pero pamilyar ang muka nya. Nagsend ako ng message sakanya at tinanong ko kung sino sya. Nagulat ako nang sabihin nya na sya ang nakaaway ni Matt sa labas ng gate namin. Nag-away daw sila dahil bigla daw syang sinapak ni Matt. Sya pala yung parking boy na pinagselosan ni Matt. Nagpakilala sya bilang si Dave. Mabilis na nahulog ang loob ko kay Dave at halos araw-araw ang pag-uusap namin sa inbox ng Facebook. Nagulo ang mundo ko dahil tuwing gabi ay kausap ko si Dave sa Facebook, pero sa mga panahon na yun ay nakakasama ko na din ulit si Matt na nagpakita ng malaking pagbabago. Hindi na sya seloso at nakita ko ang kakaibang lambing sakanya. Lalo akong naguluhan nung nakasama ko na si Dave dahil masarap pala syang kausap at napaka maasikaso. Tuwing pagkatapos kong makipagyogahan sa mga yogista ay kasama ko si Matt, pero pag dating ng madaling araw ay si Dave naman ang kasama ko. Nasisira ang pangalan ko dahil ang tingin ng mga tao ay malandi akong babae, pero gusto kong matigil ang mga usapin na ganon kaya naisip kong kailangan kong pumili ng isa sakanila. Sino ang dapat kong piliing maging boyfriend Kuya Chico, si Matt ba o si Dave? O si Kevin? O si Leo? O si Greg? O si Alvin? O si Reginald? O si John? Umaasa ako na sa pagpili ko ng isa lang sakanila ay matitigil na ang mga haka-haka na malandi ako dahil natatakot akong umabot pa ang kasinungalingan na yan sa asawa kong si Tristan. Sana ay mapayuhan mo ako sa lalong madaling panahon.

Lubos na gumagalang,
Helga

Title: Parking

MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 5

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Dear Kuya Chico,

Itago mo nalang ako sa pangalang Carlos. Isa akong bus driver, at referee din ako ng basketball tuwing may liga. Isang normal na araw para sa akin ang pumasok sa opisina ng maaga, bumyahe ng bus, at umuwi ng bahay para matulog. Araw-araw ay nakagawian ko na ang ganon. Simple lang akong tao, kahit hindi ako mayaman, kuntento naman ako kunyari. Sapat naman ang kinikita ko Kuya Chiko para makaraos sa pangaraw-araw na buhay, at minsan ay may natitira pa para makabili ako ng popcorn.

Isang araw, habang naglalakad papasok ng opisina, napansin kong wala ang wallet ko sa bulsa.
Dali-dali akong tumakbo pabalik ng bahay para tingnan kung naiwan ko ang wallet ko, ngunit hindi ko ito nakita. Itatanong ko sana sa katulong kung nakita nyang pakalat-kalat ang wallet ko, kaya lang, wala naman akong katulong. 4,087 pesos lang naman ang laman ng wallet kong nawala. Para sa ibang tao, maliit na halaga lang ito, pero para sakin, maliit na halaga lang talaga. Pero yun na ang pangbayad ko ng upa sa bahay. Magdadabog sana ako sa sobrang inis, pero wala namang makakakita kaya naglakad nalang ako papuntang opisina ng nakasimangot. Sa aking paglalakad ay may napansin akong hugis itim sa lupa. Habang papalapit ako sa hugis itim na bagay... kulay itim pala, hindi hugis. Habang papalapit ako sa kulay itim na bagay ay nakikita kong wallet ito.Pero hindi yung wallet ko. Agad ko itong dinampot! Naisip ko na baka ito ay paraan ng tadhana para palitan ang nawala kong wallet. Binuksan ko ang wallet at tiningnan kung may laman. May 3, 670 pesos sa loob ng wallet na napulot ko. Ito na nga siguro ang kapalit ng nawala kong wallet. Nakonsensya din ako ng konti pero kailangan ko talaga ng pera. Tiningnan ko kung may ID sa wallet pero pangalan lang ng may ari ang nakita ko at walang contact number. Masaya na sana ako kaya lang kulang parin ang pangbayad ko ng upa. Kaya pinalayas parin ako ng landlord kinabukasan. Sumulat ako sayo Kuya Chico para mahanap ang may ari ng wallet na si Mervil Della-Santo at ipaalam sakanya na may utang sya sakin na 417 pesos dahil 4,087 pesos ang nawala sa akin, pero 3, 670 pesos lang ang laman ng wallet nya. Sana ay magsilbing aral sa mga manunuod mo ito Kuya Chico, na kung mawawalan sila ng wallet, siguraduhin nilang hindi kulang ang laman.

Lubos na gumagalang,
Carlos

Tittle: Utang

MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 4

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:

Dear Kuya Chico,

Itago mo nalang ako sa pangalang, Raymund. Ako ay 21 years old at isang estudyante. Isa ako sa mga kinatatakutan ng mga tao sa school namin. Astig kasi ako. Walang nakikipag-away sakin kahit kelan, at kung may magkamali mang makipag-away sakin, hindi ko isusumbong sa teacher. Ganun ako kaastig. Napilitan akong maging matibay at matapang dahil lumaki ako in the hood. I'm gangster! Pero wala akong gang. Pero I'm gangster. Wala akong kaibigan sa school, pero meron akong mga kasangga sa may amin. Si Bobby at si Babi. Si Bobby ay 12 years old at si Babi ay 14. Madalas kaming magkakasama at nanggugulo. Walang bumabangga sa amin at kami ang may hawak sa buong compound sa loob ng gate namin. Aminado ako na madami akong kalokohan. Siguro ay kulang lang ako sa aruga dahil lumaki akong walang tito. Nagpapasalamat nalang ako sa Diyos dahil minahal ako ng mga magulang ko na parang tunay nilang pamangkin.


Isang araw, habang nagpapaligo ako ng aso. Bumukas ang gate ng compound namin at may pumasok na kotche. Hindi pamilyar ang kotche at hindi ko kilala ang nagmamaneho. Dali-dali kong tinawag si Bobby at Babi at sinabing talasan nila ang mata nila dahil may mga dayo. Naisip namin na bantayan ang mga dayo. Gumawa kami ng plano na sasalakay kami kapag tulog na sila. Pinag-isipan namin ang magiging bawat galaw namin. Gumawa kami ng drawing para alam namin kung saan ang mga entry points namin sa pag-atake. At napagplanuhan namin na susugod kami pagpatak ng alas-dose ng gabi. Kaya lang nung natapos namin ang plano 6pm na pala at kailangan nang umuwi ni Babi dahil magrorosary pa daw sila. At umuwi na din si Bobby, hindi ko alam kung baket.

Naiwan akong mag-isa na nagbabantay Kuya Chico. Matagal kong binantayan ang bahay na pinasukan ng mga dayo. Halos 26 minutes na akong nagmasid nang biglang lumabas ang tatay ko. Sinabi ko sakanya ang plano ko pero pinagtawanan lang nya ako. Sinabi nya na mga bagong lipat daw ang mga sinasabi kong dayo. Kaya pala nawala yung "for sale" na nakadikit sa garahe. Papasok na sana ako sa bahay nang biglang...

Naalala ko na nagpapaligo nga pala ako ng aso! Hindi ko pa sya binabanlawan at tumigas na ang shampoo. Pabukas na ako ng gripo nang masilayan ko ang isang sobrang sexy na babae sa may pinto ng mga bagong lipat. Naglakad sya palapit sakin at sinabing "Ang tigas na ah!" Nagulat ako dahil hindi ko alam kung pano nya nalaman. Tinanong ko kung pano nya nalaman na matigas na? At sinabi nyang dahil halos hindi na daw makagalaw yung aso ko. Yung shampoo pala ang sinasabi nyang matigas na. Nagpakilala sya bilang si Fran at nagkwentuhan kami. Binanlawan ko ang aso ko at wala naman masamang nangyari sakanya. Mejo tumutubo na nga ulit ang mga balahibo nito. Napadalas ang kwentuhan namin ni Fran at may mga pagkakataon na gusto ko syang tanungin kung pwede ba akong manligaw. Isang bagay lang ang pumipigil sakin Kuya Chico, naiilang ako sa bigote ni Fran. Maputi pa naman sya kaya kitang-kita ang bigote nya. Pero naisip ko na hindi dapat maging hadlang yun. Inaya kong magmotel si Fran at natuwa ako dahil pumayag sya. Pero naguguluhan parin ako kung ano ang gagawin ko pag dating sa motel. Sasabihin ko ba kay Fran na mag-ahit sya ng bigote? O ahitin ko nalang kapag tulog na sya? Sana ay mapayuhan mo ako within this week.

Lubos na gumagalang,
Raymund


Title: Mustache

MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 3

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:

Dear Kuya Chico,

Itago mo nalang ako sa pangalang Bernadette Anne Sensoho de la Fuente. Isa akong researcher para sa isang fashion magazine. Iba ang tunay na personality ko, at iba ang socialite/fashion na mundo ko. Tuwing nasa trabaho ako ay nag-iingglisan kaming lahat and we always beso-beso pero ang totoo ay simple lang ako. At hindi ako magaling mag english, natututo lang ako ng english kakanood ng wrestling.

Isang gabi, habang nagkakape ako sa isang mall, nakita ko si Carla. Katrabaho ko si Carla at isa sya sa mga sosyal talaga sa office. Typical na sosyal si Carla; maganda, matangkad, at laging mukang mahal. At nung nakita ko sya, I was surprised! Hindi ko alam ang gagawin ko. Papansinin ko ba sya kahit na alam kong makikipag ingglisan sya sakin o iiwasan ko ba sya? Magtatago sana ako sa likod ng kasama ko, kaya lang wala naman akong kasama. Nakita ako ni Carla at tinawag nya ako. Nagpanggap ako na hindi ko sya naririnig, at kahit na nung kinakalabit nya ako, kunyari hindi ko nararamdaman. Pero nung pinaso nya ako ng sigarilyo napaaray ako kaya wala na akong magawa. "Hey! Carla what a coincidence! you're here also!" ang bati ko sakanya. Sinabi nya na kanina pa nga daw nya ako tinatawag kaya lang hindi ko daw naririnig. Mejo matagal din kaming nagusap ni Carla sa coffee shop at pinagdarasal ko na sana umalis na sya dahil nauubos na ang "OMG" at "Really?" ko sakanya. Mabait naman si Carla kaso hirap talaga ako mag-english. Tumayo si Carla at natuwa ako dahil akala ko ay aalis na sya, nang biglang...

"Hey, can I ask for a favor? Would it be okay if you helped me pick out a dress. It's for the event on Tuesday. Please, please, please."

Pinagisipan ko muna ang sinabi ni Carla, at matapos ng ilang minuto ay naintindihan ko din ang sinabi nya. Gusto ko sanang tumanggi kaya lang mas mahaba pa ang sasabihin ko, kaya sabi ko nalang "sure". Akala ko ay lilipas ang oras na mabubugnot ako, pero hindi ko namalayan na nageenjoy din akong kasama si Carla. At natuwa naman ako nung sabihin ni Carla na ililibre daw nya ako ng dress dahil sinamahan ko sya. Kahit na hirap ako magenglish at halos kalahati ng lahat ng sinasabi ni Carla ay hindi ko naiintindihan nagenjoy talaga ako dahil mahilig ako magshopping.

Ok na sana ang lahat, pero ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan. Pumasok kami ni Carla sa isang posh na tindahan. Magaganda ang dresses at pareho kaming nagsukat ng damit. Nakakita si Carla ng gusto nyang dress, at sabi nya ay pumili daw ako ng gusto ko dahil ililibre nga daw nya ako. Yung huling dress na sinukat ko ang pinaka nagustuhan ko Kuya Chico. Lumabas ako ng dressing room at pinakita kay Carla ang suot ko. Sabi nya..

"Oh that's so pretty! I like the stitching on the strap of the left hem!"

Hindi ko masyado naintindihan pero dahil may "pretty" yung sinabi nya natuwa na ako. Pero nang sabihin nyang "Turn clockwise so we can appreciate the stitching design." Nayanig ang mundo ko! Alam ko na ang "turn" ay umikot, pero ano yung clockwise? Pakaliwa ba yun o pakanan? Baket ba kase hindi nalang leftwise at rightwise?! Kuya Chico ano ba ang clockwise? Sana ay mabigyan mo ako agad ng sagot dahil hindi ko ulit pinapansin si Carla at hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang tiisin ang paso ng sigarilyo nya.

Lubos na gumagalang,
Bernadette Anne Sensoho de la Fuente



Title: Rightwise

MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 2

By mgaepals on 07:04

comments (0)

Filed Under:

Dear Kuya Chico,

Itago mo nalang ako sa pangalang Mara. Ang pamilya namin ang pinaka mahirap sa aming lugar, at minsan hindi ko matanggap ang naging kapalaran namin. Bakit kaya kung sino pa ang mahirap, sya pang lalong pinahihirapan. Halos lahat ng kapitbahay namin sa Barangay Forbes Park ay alam ang aming katayuan. Minsan nga ay iniisip ko nang maging working student para sa pamilya ko, pero nakakatamad. Humingi ako ng dagdag sa allowance ko kay ama, pero sapat na daw ang 15,000 pesos per week. Hindi nya alam na at least twice a week dapat magshopping, kahit sa Hong Kong lang. Natuto din akong pagkasyahin ang 15,000 sa loob ng pitong araw, pero hindi sya naging madali. Dahil sa kalagayan namin, kinakailangang magtayo ng tatlong negosyo ni ama, at naiintindihan ko na minsan ay mainit ang ulo nya pag dating sa bahay. Ngunit hindi ko inaasahan na sarili kong ama ang magdudulot ng matinding hinanakit sa akin.

Linggo nun, at magshoshopping ako with all my single ladies. Kasalukuyang kumakain ako ng frozen yogurt nun nang maalala ko na max out na ang credit card ko. Ang hirap talagang maging mahirap Kuya Chico. Dalidali akong tumakbo papunta sa kwarto ni ama para humingi ng money. Habang tumatakbo ako papunta sa kwarto nya, naalala ko na nag-gogolf nga pala si ama tuwing Linggo, pero sana hindi pa sya nakakaalis. Makaraan ang 20 minutes narating ko din ang kwarto ni ama. Nakita ko ang golf bag nya kaya natuwa ako. Ibig sabihin ay hindi pa sya nakakaalis. Pero hindi ko sya makita sa kwarto nya. Pinasok ko na ang lahat ng walk-in closet pero wala talaga sya. Nang palabas na ako ng kwarto nya, may narinig akong humahagikhik, parang pinipigil na tawa. Nang hanapin ko kung saan nanggaling ang hagikhik, nakita ko si ama na nakatago sa likod ng kurtina. "Anjan ka lang pala eh!" ang naiinis na sabi ko sakanya. Sinabi nya sa akin na nagtago sya dahil alam nya na max out na ang credit card ko at alam nya na hihingi ako ng money. Akala siguro nya makakaisa sya.

Sinabi ko kay ama na kahit 8,000 lang ay ok na pangshopping, titipirin ko nalang. Pagkatapos ng matagal na diskusyon ay binigyan din nya ako ng money. Naisip ko na magandang oportunidad na din yun para sabihin sakanya na napagusapan namin ng best friend ko na magbakasyon sa Paris pagdating ng summer. Binangit ko kay ama ang plano namin ng bestfriend ko pero naging malupit si ama. Sinabi nya na ok lang basta pagipunan ko daw. Nabigla ako sa sinabi ni ama! Pagipunan?! Alam kong mahirap kami, pero nun ko lang nasabi sa sarili ko na "kawawa... naman... ako." Umapila ako kay ama, ngunit hindi daw talaga sya magbibigay para matuto daw ako. Akala ko ay hanggang dun lang ang kalupitan na matatanggap ko nung araw na yun, pero nagulat ako ng sabihin ni ama na "Bakit hindi mo nalang ibenta yung kotse mo anak?" Kinukurot ko ang sarili ko para magising ako, at umaasa na isang bangungot lang ang lahat, pero totoo talaga ang mga pangyayari. Ang sarili kong ama, ang sarili kong dugo't laman na inaasahan kong makakaintindi sa akin, ang sya pang nagsabi ng masasakit na salita sa akin.

Matagal kong pinagisipan ang sinabi ni ama, at ngayon na malapit na ang summer, wala na akong ibang magagawa kundi ibenta ang kotse ko. Sabi nga nila, kapit sa patalim na. May isang bagay lang na gumugulo sa utak ko, at sana ay mabigyan mo ako ng karapatdapat na payo.. aling kotse ko ba ang ibebenta ko, yung apple green, burgandy, o yung pink?

Lubos na gumagalang,
Mara

Title: Mahirap

MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 1

By mgaepals on 06:23

comments (0)

Filed Under:

Dear Kuya Chico,

Itago mo na lang ako sa pangalang Darwin. Ako ay isang body builder slash bouncer sa isang club slash cashier sa sari-sari store. Meron akong dalawang cute na cute na anak, si Greg 25 years old, at si John 25 years old din... kambal sila.

Masaya ang aming pamilya kahit na tatlo lang kami. Iniwan kami ng ina ng mga anak ko noong mga bata pa lang ang kambal. 12 years old lang si Greg nang iwanan kami ng asawa ko, hindi ko na matandaan kung ilang taon si John nun. Hindi ko parin matanggap na pinagpalit ako ng misis ko sa ibang babae. Kung sinabi lang nya noon na tomboy sha hindi naman ako magagalit. Ok lang naman sakin kung mag-uuwi sha ng ibang babae... basta maganda.

Isang tahimik na gabi, habang natutulog kami ng matiwasay ay nagising ako sa tunog ng maliliit na pakpak. Noong una ay naisip ko na baka mga mumunting fairies ang naririnig kong lumilipad-lipad sa kwarto namin pero naalala ko na matanda na nga pala ako para maniwala pa sa fairies. Matagal kong hinanap kung ano ang lumilipad-lipad sa kwarto namin. Ayaw ko namang buksan ang ilaw dahil baka magising ang mga baby ko.

Makalipas ang ilan pang minuto ay nakita ko din ang pinanggagalingan ng tunog. Noong una ay hindi ako makapaniwala.. Tinanong ko ang sarili ko "Totoo ba ito?" at sumagot din ang sarili ko "Totoo nga!" ..Isang brown, chubby, at kadiring flying ipis! Dahan-dahan kong kinuha ang sandals ni John, ay ni Greg pala! Sorry magkamuka kasi sila. At nung lumanding yung ipis sa dingding ay hinanda ko na ang sarili ko. Papaluin ko na sana ang ipis nang biglang...

Lumipad ang ipis at lumanding sa muka ni Greg! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pababayaan ko bang tapak-tapakan ng ipis na yun ang muka ng baby ko? O hahampasin ko ba ng sandals ang ipis sa muka ni Grag kahit masaktan sha? Sana ay mapayuhan mo ako bago magising si Greg.

Lubos na gumagalang,
Darwin

Title: "Sandals"