Dear Kuya Chico,
Itago mo na lang ako sa pangalang Bill. 42 years old na ako pero madaming nagsasabi na muka akong mas bata. Parang 41 years old lang daw ako. Kahit medyo may edad na ako, single parin ako. Nagkakaron ako ng mga girlfriend pero hindi tumatagal ang mga relationships ko. Minsan umaabot lang ng 4 weeks, minsan 1 month, at minsan 2 weeks and 14 days lang. alam kong ako ang may problema kaya hindi nagtatagal ang relationships ko. Naka 15 na syota na ako, imposible namang lahat sila ang may mali. Kaya naisip ko nang humingi ng professional help sa isang psychiatrist. Magaling na psychiatrist si Dr. Manalo. Caring sya sa patient, empathetic sya sa patient, at patient sya sa patient. Madami nang taong natulungan sa psychological problems si Dr. Manalo. Kilala sya bilang isa sa pinaka magaling sa field nya, sayang nga dahil hindi sya ang psychiatrist ko. Napunta ako sa isang psychiatrist na walang kwenta. Nagpakilala sya bilang si Dr. Gerome. San ka naman nakakita ng doktor na first name ang gamit? Nagduda ako pero tinuloy ko ang therapy. Gumastos ako ng libo-libo may butal pang hundreds pero mukang pineperahan lang nung psychiatrist ko ang mga pasyente nya. Parepareho lang ang sinasabi nya sa lahat ng pasyente, at ang nirereseta nya ay dalawang bote ng gin para makalimot daw sa problema. Effective naman, nakakagago lang. Titigil na sana ako sa pagpunta kay Dr. Gerome nang biglang...
Namatay si Dr. Gerome. Ang pumalit sa kanya sa office nya ay isang babaeng psychiatrist, si Dra. Dalisay. Magaling si Dra. Dalisay, kaya lang nadi-distract ako sa legs nya. Sexy kasi sya Kuya Chico. Sexy talaga. As in chikas. Yung mga tipong pag nakita mo, boom! Well anyway, magaling mangilatis si Dra. Dalisay, inaalam talaga nya ang ugat ng problema, kaya mabilis nyang natutulungan ang tao. Lumalim ang pagkakakilanlan nya sa akin nung unang beses pa lang naming magkakilala. Binanggit ko lang na may problema ako sa pag-maintain ng romantic relationships. Napansin nya na hirap ako mag-open up sa ibang tao. Sinabi nyang gagamitan na lang daw nya ng logic ang observation phase ng therapy ko. Sinabi nyang aalamin daw namin ang ugat ng problema ko sa pamamagitan ng pag-trace ng mga isasagot ko sa tanong nya. Tinanong ko kung pano yon, kaya binigyan nya ako ng example
Tiningnan ako ni Dra. Dalisay. After mga 2 minutes tinanong nya ako kung original daw ba ang "Power Balance" na suot ko. Sabi ko, oo. Tinanong naman nya ako kung naniniwala ba ako sa mga pautot ng "Power Balance". Sabi ko, medyo hinde. Kung ganon daw, ibig sabihin 'e bumibili ako ng mga mamahaling bagay kahit sa tingin ko 'e wala naman itong kwenta. Sabi ko oo. Kung ganon daw, ibig sabihin mahilig akong pomorma. Sabi ko tama sya. Ibig sabihin daw non 'e gusto kong mang-attract ng opposite sex. Sabi ko oo. At kung ang opposite sex daw ay mga babae, ibig sabihin, lalake ako. Sabi ko, syempre. Dun ko naintindihan ang sinasabi ni Dra. na susubukan naming i-trace ang ugat ng psychological problem ko. Halimbawa lang daw yon, pero halos ganon din ang gagawin nya sa therapy sessions ko.
Ginanahan akong magpa-therapy. Nagkaron ako ng pag-asa na maayos ni Dra. Dalisay ang problema ko. Binalak ko din na pag wala na ang commitment issues ko, liligawan ko si Dra. Dalisay.
Akala ko ayos na ang lahat Kuya Chico, pero mas malaking problema pa ang sunod na dumating sa akin. Nawala yung "Power Balance" ko at wala na akong balak bumili ulit. Ibig sabihin yata non hindi na ako mahilig pomorma. At kung hindi na ako mahilig pomorma, ibig sabihin ayaw ko nang mang-attract ng opposite sex. At kung ang opposite sex ay babae, at ayaw ko na ng attraction galing sa kanila, ibig sabihin bading na ako. Sana ay ma-share mo ang kwento kong ito para malaman ng iba na nakakabading ang logic.
Lubos na gumagalang,
Bill

Title: Power Balance
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post