Ayaw nang patuloy na madamay sa military corruption probe ni Heidi Mendoza.
By mgaepals on 08:00
Filed Under:
Yan ang nagmamakaawang request ni Heidi Mendoza nitong mga nakalipas na araw. Nag-risk daw sya ng buhay nya at ng pamilya nya “to give honor to the soldiers who risk their lives in defense of the country.” at dahil talamak ang samsaman ng pera sa AFP (Armed Forces of the Philippines)
Madami-dami na din ang na-expose na military corruption si Heidi, at mukang madami pa syang pwedeng maitulong, pero nitong nakaraan lang, nagbitiw si Heidi Mendoza ng...
"I am appealing to this committee to spare me from causing additional harm to people who I worked with and to people who stood with me all the way,"
Sinabi DAW nya yan pagkatapos syang akusahan na dinudungisan nya ang pangalan ng mga nagtatrabaho sa Commission On Audit kung saan dating employee din sya bilang auditor.
Sa tingin namin, mga nasagasaan sa military corruption probe ang mga nagsasabing sinisira ni Heidi ang pangalan ng COA, para lang lumihis ang kaso at maalis sa AFP ang focus.
May mga tanong lang kami. Kung willing nga si Heidi na itaya ang kaligtasan ng mga anak nya, baket nya gugustuhing tumigil sa pagtulong sa probe dahil lang nadudungisan DAW ang pangalan ng mga naging katrabaho nya sa Commission On Audit? Mas importante naman ang buhay ng mga anak kesa sa pangalan ng mga katrabaho. Kung nataya ng isang tao ang buhay ng mga anak nya, pero hindi nya mataya ang pangalan ng mga nakatrabaho nya, parang may hindi lang tama. Hindi namin sinasabing si Heidi ang may mali, kundi yung pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Hindi ba sobrang pinagbantaan na ang buhay ng pamilya nya kaya natakot na syang mag-participate sa probe, at ginawa na lang ang issue ng COA para magkaron ng dahilan para tumigil si Heidi Mendoza. Madami pa namang maimpluwensyang gago sa gobyerno na kayang i-manipulate ang sitwasyon para maging pabor sa kanila. Theory lang namin yan. Sensible at napaka-possible na theory.
Kung wala kang alam sa nangyayare:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post