"Nosi, nosi ba mika... Sino, sino ba kami?"
By mgaepals on 08:01
Filed Under:
May nag-iwan nitong comment na 'to sa message board...
"Bakit ayaw nyo pakilala sarili nyo mga sir? hindi nyo ba kayang panindigan ang mga sinasabi nyo? hindi naman kayo magmumukang activista kaya ok lang magpakilala, ok lang sana kung bawat pinagtataguan nyong character ay sumisimbulo sa bawat Pilipino, Kaya lang malabo eh"
Galing yan kay "SiMatapang"
Nagsabi kami na idadaan namin sa pabasa ang sagot. Salamat nga pala sa comment.Eto na.
Una, wala kaming pinagtataguang character. Ang "Boss Chip", "Manong Guard", "Bunso", at "Kulturantado" ay mga pen name, hindi character, pero kung gusto nyong character bahala kayo ok lang. Pero hindi namin ginagamit yan para magtago. Tungkol naman sa sana 'e sinisimbulo namin ang bawat Pilipino, No thanks, mahirap dalhin ang responsibilidad na yan. Mabuti nang kanya-kanyang representation tayo. Pero kami, hindi para sa ibang tao, kundi para sa sarili, at sariling paniniwala. Para sa dapat malaman, hindi para sa gusto lang malaman. Para sa mas makatotohanang pananaw, hindi para makitungo sa paniniwala ng maimpluwensya. Para magbigay ng alternative point of view, at hindi makisakay sa dinidikta ng uso. Pero ang pinaka importante, para mag-enjoy.
Kung baket naman ayaw namin magpakilala; Nung una pa lang, madami na ang nagre-request na ipakita namin ang mga muka namin. Hindi namin alam kung baket. Pwedeng curious lang yung iba sa itsura namen, at malamang 'e meron ding mga kababaihan na may balak kaming imaginin sa kubeta (hindi habang tumatae gago.) at sa dami ng binira namin 'e baka hina-hunting lang kami nung iba. Pero hindi kami natatakot. Nakikipagsabayan kami kung iimbitahing pumalag. Pero kung may duda ka sa paninindigan namen, nasa sayo na yan. Everyone in entitled to his/her own opinion. At kung sa tingin mo 'e mahina ang paninindigan namin kaya ayaw namin magpakita ng muka, ok lang yon, karapatan mo naman magbigay ng maling opinion.
Kung sa paninindigan lang, 'e mas nakatindig pa kami sa porn star na na-overdose sa Viagra. Solid ang paninindigan namin. Minsan nasosobrahan na nga dahil kahit maselan ang issue, hindi namin maiwasan ilabas ang totoong opinion namin. Kung may theory kami sa issue, wala kaming paki-alam sa magiging reaction ng mga moralista. At kung dapat kang punahin, kahit sino ka pa, walang pwera-usog dito.
Madaming beses na naming sinagot kung baket hindi kami nagpapakita ng muka, pero ngayon lang namin ilalagay bilang pabasa, para sunod-sunod na lang ang putok sa parehong tanong (parang bukkake.) Kung tutuusin mas magiging madali ang buhay namin kung pinapaalam na lang namin kung sino kami, pero tulad ng ng mga super hero, ang dahilan ng pagiging sikreto ng identity namin ay dahil ayaw naming malagay sa alanganing sitwasyon ang mga pamilya namin. Ayaw lang naming madamay sa mga trip namen ang mga nanay, mga tatay, mga utol, mga lolo, mga lola, mga tito sa sa father side, mga pinsan ng pinsan ng second cousin, mga anak ng ninong sa kumpil, at mga pamangkin ng pinsan ng tita sa mother side namen. Malamang may mga magtatanong ulit nyang mga yan sa susunod, hindi na namin sasagutin. Sa mga tuloy-tuloy na sumusubaybay sa MgaEpal.com, wag kayong mag-alala, dadating din ang panahon na malalaman ng mga anak ng apo nyo kung sino kame. Salamat ulit.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post