May mga umaangal nung simulang gamitin ng isang company sa Spain ang salitang "Filipinos" para sa brand ng chocolate coated bicuits.

By mgaepals on 08:02

Filed Under:

Para sa mga umaapila, nakakainsulto daw 'to, dahil kilala ang mga biscuits na yan bilang puti sa loob at dark sa labas. Lumalabas daw na pahapyaw yan na pute o Americanized ang mga Pilipino pero maitim ang balat. Gago ba sila? Seryoso bang sa tingin nila 'e yun yung inisip nung nag-pangalan sa mga biscuits na yan? Kung sino man ang mga nakaisip non, guilty lang yon, or in denial. Sabi nga namin noon, "Bato-bato sa langit, ang tamaan yun ang target."


Insulto siguro yan kung panget yung lasa nung biskwit, pero kung mabenta sa panlasa, ibig sabihin masarap talaga ang Filipinos. Ayaw ba nila non? Iisipin ng mga taga Spain masasarap ang Filipinos?

Isipin mo nga, nung gumawa ba tayo ng Spanish bread, pinapalabas ba natin na sweet ang mga Spaniards sa loob pero panget ang itsura? Kung ganon, dapat bang magalit ang mga taga Vienna, Austria? Dapat ba nilang isipin na ang gumawa ng vienna sausage, 'e gustong palabasin na maliit ang "sausage" nila? Minsan, pinagtitripan talaga tayo ng ibang bansa, pero hindi naman siguro masamang trip kung gagamitin lang na pangalan ng pagkain ang lahi naten... basta wag lang sa maliliit na sausage.

filipinos hugot dito

0 comments for this post

Post a Comment