"Maturity based on activity."
By mgaepals on 09:04
Filed Under:
Bawat taon nagbi-birthday tayo. Para sa mga bata, exciting ang pagdag-dag nila ng edad, feeling kasi mas nila nagiging mature sila. Pero kung 8 years old ka at nagbirthday ka magiging 9 years old ka lang naman at bata ka parin kahit anong gawin mo. Madami ang nagtatanong, kelan mo nga ba masasabi na hindi ka na bata?
Iba-iba ang opinion ng mga tao. May mga nagsasabi na pag nakakanuod ka na ng mga pilikulang R18, hindi ka na daw bata. May mga nagsasabi naman na pag hindi ka na nagbabaon ng pagkain sa school, hindi ka na bata. Meron naman nagsasabi na pag tinutubuan ka na daw ng... wisdome tooth, hindi ka na bata. Pag nag-debut, pag kaya mo nang mag-review mag-isa para sa short quiz, o kaya pag ikaw na ang bumibili ng sarili mong porn at hindi mo na ninanakaw ang porn ng tatay mo na alam mong hindi naman nya hahanapin dahil mahihiya syang magtanong sa mga tao sa bahay nyo. Lahat yan ay senyales daw na hindi ka na bata. Tulad ng sinabi namin, kanya-kanyang opinion yan, at para sa amin, masasabi ng mga babae na hindi na sila bata pag sila na ang bumibili ng sarili nilang underwear. Para sa mga lalake naman, hindi na sila bata pag hindi na nila sa lusutan ng legs nilalabas ang tutoy nila tuwing umiihi sila.
0 comments for this post