City by the numbers.
By mgaepals on 09:02
Filed Under:
Alam mo ba na sa lahat ng city sa Pilipinas, pinaka malaki ang populasyon sa Quezon City na may halos 2,679,450 na tao. Tapos ang pinaka-maliit naman na population ay ang Palayan City, pero hindi dahil ito ang pinaka maliit. San Juan ang pinaka maliit na city sa Pilipinas na 5.94 km2 ang laki, at ang pinaka malaki ay Davao City na pumapalo ang sukat sa 2,433.61 km2. So kung pinaka maliit ang San Juan, siguro pinaka masikip din dun diba? Mali. Manila ang pinaka masikip dahil may 43,079 na tao sa bawat square kilometer doon. Ang pinaka maluwag naman ay Puerto Princesa na may 81 na tao lang bawat square kilometer.
Base sa information na yan, lumalabas na pwede pang i-develop ang mga lupa sa Puerto Princesa para matirahan ng ibang taga Manila na nasisikipan sa lugar nila. Tambay din kami sa Manila kaya alam namin na magkakadikit talaga ang bahay jan. Tipong pag tumayo ka sa may pinto ng bahay mo, at tumayo ang nakatira sa tapat nyo sa may pinto nila, pwede kayong mag-apir. So kung may mga taga manila na naghahanap ng maluwag na city, ba't hindi nyo subukan ang Puerto Princesa. Malapit lang naman yan, isang sakay lang yan. Mag-abang ka lang sa may Quiapo ng jeep na biyaheng Puerto Princesa. Pero kung tutuusin, yung mga oras na tumatambay kami sa Manila ang pinaka masarap na tambay. Dahil nga magkakalapit ang bahay, mas nagkakakilala ang mga tao at mas may feel of a community ang mga tao. Kaya sige, ok lang, pasikipin pa natin ang Manila.
Lumalabas din base sa information sa taas na walang kinalaman laki o liit ng city sa pag-unlad nito. Dahil ang Davao na pinaka malaki at ang San Juan na pinaka maliit na ay pareho namang maunlad. Pero ang pinaka importanteng bagay na dapat mapansin sa taas ay ang population. Normal sa Palayan City ang populasyon nila dahil hindi naman kalakihan at hindi kaliitan ang city nila. Kung baga sa kama ng 3 little bears, sila yung kama ni baby bear... just right. Pero ang population ng Quezon City ay malaki para sa size nito. Siguro madalas umattend ng misa ang mga taga Quezon City kaya lagi silang humahayo at nagpapakadami. Siguro mayayaman ang mga nasa Quezon City dahil hindi nila iniisip ang gastos pag mas madaming anak. O kaya kuripot kaya ayaw bumili ng condom. Siguro mas healthy lang, kaya mas hindi nababawasan ang population. Hindi namin alam ang totoong dahilan. Pero kung mas mabilis magreproduce ang mga nasa Quezon City, ibig sabihin mas madaming babae na liberated dito, dahil hindi naman tumataas ang bilang ng mga kinakasal every year (bumababa pa nga) pero patuloy ang pagtaas ng pinapanganak. Mas madami palang hayok sa Quezon City. Mas wild, mas mapusok, at mas madaming nagja-gyrate na hips. Kung ganon, mas dadami pa nga ang tao sa Quezon City, dahil mas madami ang liberated na babae at lagi namang "liberated" ang mga lalake. Tapos idag-dag mo pa yung mga manyak na lilipat ng tirahan sa Quezon City pagkatapos mabasa 'to.
0 comments for this post