Self-proclaimed Spoiled.
By mgaepals on 09:02
Filed Under:
Hindi pwedeng gagawin mo lang ang mga dapat gawin kung kelan mo lang gusto. Masyado ka namang makasarili kung lahat ng tao sa paligid mo pinag-aantay mo kung kelan komportable para sayo kumilos. Dalawang klaseng tao ang gumagawa nito. Mga taong tamad, at mga taong mapag-mataas. Parehong may pagka-makasarili ang dalawa, at parehong makapal ang muka. Kung may kakilala kang taong self-proclaimed spoiled, paki sampal na lang sa noo.
"Kahit kailan, hindi dadating ang tamang oras sa taong walang tamang orasan."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post