"Good night."

By mgaepals on 09:01

Filed Under:


May mga taong hindi binibigyan ng importansya ang tulog, Siguro hindi nila alam na pag tulog tayo, dun nire-repair ng katawan natin ang mga cells na nadadamage. Kaya yung mga may insomnia, mas kailangan nyong uminom ng supplements (Calcium, Vitamin E, etc). Kapag natutulog tayo, dun din narerelax ang utak natin at mas natatandaan natin ang mga bagay-bagay, kaya kung may exam ka, mas mame-memorize mo ang pinag-aralan mo pagkatapos matulog. Kahit sa mga athletes, kasama sa training ang tulog. Lahat ng prinactice mo na galaw ay mare-reinforce ng muscle memory sa pagtulog mo. 

Pag bata pa ang tao, kailangan ng 8 hours of sleep. Habang bata pa ang tao, mapapansin mo na pag kinulang ang tulog mo ng dalawang oras, sa susunod na tulog mo makakatulog ka ng halos sampung oras. Pero paglipas ng panahon, anim na oras lang na tulog nakakabawi ka na ng energy kahit puyat ka nung nakaraan. Pag mga 27 years old na ang tao, anim na oras ng tulog lang, gising na gising na ang utak mo. Pag tungtong ng 40 years old, minsan limang oras na lang ang tulog. Habang tumatanda, mas umiiksi ang tulog ng tao. Kaya pag 300 years old ka na, hindi ka na matutulog.

0 comments for this post

Post a Comment