MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 15

By mgaepals on 08:01

Filed Under:

Dear Kuya Chico,

Itago mo na lang ako sa pangalang Trina. Para sa mga magulang ko, wala akong ibang dapat gawin kundi mag-aral. Pwede ding matulog, kumain, at maligo, pero pwera dyan, puro aral na dapat. Naaawa tuloy ako sa pwedeng mangyari sa bunso kong kapatid, dahil bata pa lang sya at natatakot ako na baka hindi nya maenjoy ang childhood nya. Buti na lang wala akong kapatid, pero baka kasi magkaron, malay mo lang. Hindi naman buntis ang nanay ko, pero baka lang, in the future. Strict ang parents ko at masyado silang controlling. Hindi ko pwedeng gawin ang isang bagay kung hindi sila papayag. Minsan nakakabuti naman dahil alam kong nakaktulong sa akin ang pinapagawa nila. Kaya kahit sapilitan, sinusunod ko ang mga utos nila. Nasanay na ako sa pakiramdam na walang kalayaan para gawin ang mga gusto ko, at dumating sa punto na sunod na lang ako nang sunod sa mga parents ko para lang hindi magkagulo sa bahay. Mahirap pero maayos ang samahan sa pamilya namin at hindi ko inaasahan na dadating ang araw na mahihirapan ako ng todo sa i-uutos ng magulang ko. Pero nagkamali ako Kuya Chiko, nagkamali ako.

Naging masunurin akong anak mula pa nung magkaisip ako. Nung una, iniintindi ko na lang sila at iniisip ko na concern lang si Mama at Papa, dahil batang-bata pa ako at marami pa akong kailangan malaman at intindihin sa mundo, yan ang totoo, at nagkakamali ako kung akala ko na ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang. Pero umasa ako na pag-graduate ko ng high school, mas magiging maluwag na sila at mas bibigyan nila ako ng pagkakataon magdesisyon para sa sarili ko. Pero hindi pala.

Nung bata ako, pangarap kong maging taga-develop ng film ng camera, pero nung nalaos ang mga camera na may film, nabago ang pangarap ko at gusto ko na lang maging taga-halo ng pintura sa hardware. Pero tutol ang mga magulang ko sa pangarap ko. Pinaglaban ko ang pangarap ko pero sa huli, mga magulang ko parin ang nasunod at napilitan akng kumuha ng kursong dentistry kahit na takot naman ako magpadentist mula pa nung bata ako. 8 times a day nga ako nagtu-toothbrush dahil ayaw kong magkaproblema sa ngipin, para hindi ko kailanganing bumisita sa dentist. Sobrang ayaw ko maging dentist, dahil takot nga ako sa dentista, at dahil hindi sila naghahalo ng pintura sa hardware. Pero pinagtiisan kong pag-aralan ang kurso ko para sa mga magulang ko. Ngayon, malapit na akong grumadweyt, at namumroblema ako. Pano ko gagampanan ang pagiging dentista kung takot ako sa dentista? Anong gagawin ko Kuya Chico? Gusto kong pagbigyan si Mama at Papa at tapusin ang kurso ko, pero ayaw kong maging dentista dahil ayaw kong matakot sa sarili ko. Sana ay mapayuhan mo ako bago mag-graduation day.

Lubos na gumagalang,
Trina

Title: Hardware

0 comments for this post

Post a Comment