Checkpiont Limitations

By mgaepals on 08:01

Filed Under:

Nauso ang check points sa Pilipinas mga 7 or 6 years ago. Nauso na yan nung panahon ni Marcos at nag-Martial Law. Nauso ulit nung nagkasunod-sunod ang "terrorist attacks" sa kung saan-saan sa Pilipinas. Dapat mas ligtas ang pakiramdam mo pag napapadaan ka sa mga lugar na may check point, kaso dito saten, nakakakaba. Minsan kase naka-display yung mga baril ng mga pulis sa check points. Kadalasan 'e madilim pa ang area ng check points nila. May guidelines naman na pinapasunod sa PNP pagdating sa pag-conduct ng  check points, kaso may mga hindi sumusunod.

Naharang na si "Boss Chip" sa check point ng mga kupal na pulis. Eto ang nagyare.

Galing sa tambay, pauwi na si "Boss Chip" sa kanila sakay ng taxi. Pag dating sa may E. Rodriguez biglang kumadyot ng preno yung taxi. May sasakyan pala sa blind side ng kantong lilikuan nila. Napatingin si "Boss Chip" sa sasakyan tapos nakita nya na police car pala (Yung parang Tamaraw FX na nilagyan ng wangwang.) Inantay nung taxi driver na umandar yung police vehicle pero bumaba yung mga pulis. Dalawa sila. Kinatok yung bintana ng taxi driver kaya binuksan nung driver. Nagtanong yung pulis...

"San kayo?"

Sumagot si driver...

"Ihahatid lang ho yung pasahero."

Medyo kinabahan si "Boss Chip". Inisip nya kung may dala ba syang bawal. Madalas may dalang bagay na bawal si "Boss Chip" noon. (Hindi na namin sasabihin kung ano yung bawal na bagay na yon.) Buti na lang nung mga panahon na yon, wala syang dala.

Nagtanong ulit yung pulis sa driver...

"Ok ka lang? Dito sa pasahero mo, wala kang problema?"

'E gagong pulis pala yun 'e. Assuming? Tapos si "Boss Chip" naman ang kinausap...

Pulis: "Brad, taga saan ka ba?" 

"Boss Chip": "Taga *********** lang."

Pulis: "Wala ka bang drugs jan? Baka may mga tinatago ka ha?"

"Boss Chip": Wala, wala. Pauwi lang galing sa *******."

Pulis: "Baba ka muna, check point lang."

"Boss Chip": Bumaba si "Boss Chip". Kinapkapan nung pulis, tapos nilabas lahat ng laman ng bulsa nya.

Pulis: "Baket ang dami mong straw?" (May anim na straw sa bulsa.si "Boss Chip" na galing sa Burger King nung mga oras na yon.)

Nagulat din si "Boss Chip", sabay medyo natawa, bago sumagot ng...

"Boss Chip": "I-uuwi ko. Para pag walang straw sa bahay." 

Ang totoo, nilagay nila "Manong Guard" sa bulsa nya yung mga straw. Ugali nila noon maglagay ng kung ano-ano sa bulsa ng isa't-isa. Minsan magugulat na lang sila pag dating sa bahay may mga balot ng candy, tansan, filter ng yosi, at iba-iba pang bagay na patagong ini-shoot sa bulsa nila."

Yung isang pulis naman, nakayuko at medyo nasa loob na ng taxi yung katawan, kinakapa yung upuan sa likod ng taxi. After mga 8 to 10 minutes, pinasakay na ulit nung pulis si "Boss Chip". Inabot na ulit nung pulis yung mga straw kay "Boss Chip" 

Pulis: "Sige ok na, ingat kayo sa daan."
May nakita si "Boss Chip" sa kamay nung pulis.

"Boss Chip": "Boss, yung yosi ko..."

Pulis: "Ah, arbor na 'to."

Napangiti na lang si 'Boss Chip" habang umiiling, sabay pasok sa taxi.

Sa nangyaring kay "Boss Chip", ang daming maling ginawa nung mga pulis (Mga taga Galas Police Station nga pala yung mga gagong yan)
  • Walang ilaw sa checkpoint-checkpointan nila.
  • Pinababa nila yung nakasakay.
  • Kinapkapan nila yung nakasakay.
  • Pinasok nila yung loob ng sasakyan/taxi.
  • Put*ng inang kinuha nila yung yosi!
 Para sa mga ayaw maabuso ng mga kupal na pulis sa check points, eto ang dapat nyong malaman:
1. Bawal palabasin ng Police and driver o passengers ng sasakyan
2. Bawal kapkapan ng police ang katawan ng mga nakasakay sa sasakyan
3. Bawal pabuksan ng police ang kompartment o mga nakasaradong lalagyan pati ang mga bags, package etc sa loob ng sasakyan.

Madami pa pero yan ang kadalasang sinusuway ng mga parak sa check points.

Tandaan: Pwede kayong humiram/humingi ng kopya ng checkpoint protocol/guidelines nila, para mapa-photo copy at mapakita sa mga pulis na may balak mang abuso sa checkpoints. Pumunta lang sa mga police stations at itanong ng maayos kung pwedeng mahiram yung anti-kupal guidelines nila, alam na nila yon.

0 comments for this post

Post a Comment