"Powerless Imbalance"
By mgaepals on 08:01
Filed Under:
Yan ang Power Balance, na may discription na...
"Performance Technology designed to work with your body’s natural energy field. Founded by athletes, Power Balance is a favorite among elite athletes for whom balance, strength and flexibility are important."
At gumagana daw dahil...
"Power Balance is based on the idea of optimizing the body’s natural energy flow, similar to concepts behind many Eastern philosophies. The hologram in Power Balance is designed to resonate with and respond to the natural energy field of the body"
Pero nitong nakaraan, inutusan ng Australian Competition and Consumer Commission (ACCC) ang Power Balance na aminin na nag-"engage in misleading conduct" sila sa pamamagitan ng mga advertisements at promotions nila dahil wala silang credible scientific evidence na totoo ang sinasabi nilang nagagawa nung makapal na rubber band na yan.
Mga promotions tulad nito...
May mga nagsasabing totoo ang effect ng Power Balance. May mga komokontra din na nagsasabing nasa utak lang daw ng gumagamit yan. Mind over matter na may halong positive thinking lang daw ang nangyayare.
Naglabas ng statement ang Powerbalance...
"In our advertising we stated that Power Balance wristbands improved your strength, balance and flexibility. We admit that there is no credible scientific evidence that supports our claims and therefore we engaged in misleading conduct in breach of s52 of the Trade Practices Act 1974. If you feel you have been misled by our promotions, we wish to unreservedly apologise and offer a full refund."
Madami ang na-disappoint dahil wala naman daw pagbabago nung sinuot nila yung Power Balance; Mga basketball player na hindi lumakas ang talon, mga acrobat na hindi gumaling mag-balance, mga baseball players na hindi lumakas pumalo, mga adik na hindi lumakas ang tama, mga hindi natuto magbisikleta, mga torpe na hindi lumakas ang loob, mga babaero na nabuking dahil hindi natuto magbalance ng sabay-sabay na syota, mga waiter na natapon ang dala, mga kalabaw na hindi lumakas mag-araro, at mga pasosyal na hindi parin nagmukang sosyal kahit gano kadaming Power Balance ang sinuot nila habang nagwe-wakeboarding.
picture hugot dito
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post