MMFF bullshit aftershock

By mgaepals on 08:02

Filed Under:

Nung nakaraang MMFF (Metro Manila Film Festival), ni haplos tungkol sa mga nangyari na may kinalaman sa mga kasaling pilikula at mga "awards" na nakuha nila, walang pinaputok dito sa MgaEpal.com. Hindi dahil wala kaming paki-alam, pero dahil ang ganda ng isang pilikula ay subjective sa manonood. Masyado nang madaming humatol tungkol sa mga issues ng nakaraang MMFF, wala na kaming nakitang dapat pang himayin. Pero nitong nakaraan lang, umire ng baho ang issue. Ang mga "characters", direct Alfonso Martinez (Son of actor Albert Martinez, and actress Liezl Martinez) Wenn Deramas, at Ai Ai delas Alas.

Binagsak ni Alfonso sa Twitter ang...

“I am sorry, but how the fuck can a shallow, stupid and over milked movie win best director? Apparently to the magical MMFF grading system, the pinacle of Philippine cinema is a brainless, rehashed, slapstick movie that would be the laughing stock of any filmfest outside the Phil! OH WAIT! I guess the movie is successful after all.”

Ang unang reaksyon ni direct Wenn ay simple...

"God bless na lang,"

Pero hindi din siguro sya nakatiis, dahil after awhile bumira na sya ng...

“Pagkatapos kong mabasa kanina ang tweet ng anak ni albert martinez, sinabi ko sa sarili ko na pag-aaralin ko ng mahusay ang mga anak ko sa paaralang Itinuturo ang PAGTANGGAP NG MALUWAG SA DIBDIB NILA KAPAG NATATALO!!! Bakit sa Tweeter lang isinisigaw, lubos lubusin na natin ang sinabi ni Alfonzo Martinez sa akin at sa Pelikulang Tanging Ina Mo, Last na To!”



Nangati din ang si "Best Actress" Ai Ai, at sa Facebook naman sya nagkamot ng...

“Kaibigan ko si Liezl at pag nakita ko sila ni Albert, sasabihan ko: Turuan nyo ang anak nyo ng mabuting asal. Wala siyang alam sa industriya ng nanay at tatay niya kaya wala siyang karapatang magsalita ng fucking stupid. At hindi na siya bata, kaya pwedeng patulan (he-he-he.) Kasi ang mga anak ko, pag natatalo ako or may masakit na nangyari sa akin, ang dialogue nila: ‘Mama, wag ka nang ma-sad. Marami naman tayong blessings.’ Ganun lumaki ang mga anak ko. May breeding.”

Sa totoo lang, nakakabilib ang ginawa ni Alfonso. Pinasabog nya ang gusto nyang sabihin kahit bigaten ang masasagasaan. Ang kagaguhan lang nya, ay hindi nya sinabi in a civilized manner. Hindi din nya na-consider na dala nya ang pangalan ng nanay at tatay nya. Mali talaga. 


Sa sagot naman ni Wenn Deramas na "God bless na lang.", halata namang may bitterness na halo yan. Pero classy parin dahil hindi na nya pinatulan. Pero sa sumunod na banat nya, dun pumasok ang kababawan. Hindi naman si Alfonso ang hiniritan nya. Mga magulang ni Alfonso ang pinatatamaan. Ganon din sa message ni napakagaling na Ai Ai de las Alas, pinapalabas din nya na product ng paraan ng pagpapalaki ni Albert at Liezl ang ginawa ni Alfonso. Kalokohan. 


Hanggang sa edad na 13, katanggap-tanggap pa siguro na sisihin ang magulang sa kalokohan ng anak nila, pero sa Edad ni Alfonso na 23 0 24 na, hindi na lahat ng gagawin nyan umuugat sa magulang. Yung mga lasinggero, sa tingin mo ba alak ang pinapadede ng magulang nila sa kanila nung baby sila? Natuto ba mang-isnatch ng kwintas ang mga adik dahil hindi sinabi ng mga magulang nila na masama yon? Sa mga sinabi ng Wenn at Ai Ai, gusto lang nilang sumama ang loob ni Albert at Liezl kay Alfonso. Gusto lang nilang pumatol ng indirectly at pausukin ang tumbong ni Alfonso sa pamamaraan ng pagdadamay ng magulang nya. Ito ay magandang halimbawa ng "Gago" vs. "Bobo". At kahit kailan, mas may silbi ang gago kesa bobo.


picture hugot dito, dito

0 comments for this post

Post a Comment