Charice, nang-isnab daw ng mga taga-press.
By mgaepals on 08:01
Filed Under:
Sumama ang loob ng ibang press people dahil hindi daw sila pinagbigyan na ma-interview si Charice.
Badtrip sila sa handler ni Charice dahil sinabi nitong walang interview at nandon lang daw si Charice para kumanta. Tinatawag daw nila si Charice pero ni hindi daw ito lumilingon.
Normal sa ibang bansa na hindi pansinin ng mga celebrities ang press, lalo na kung hindi ito scheduled interview. Sabi ng nanay ni Charice, sana naman daw intindihin din ng iba na napapagod din daw ang anak nya. May punto naman ang nanay ni Charice, pero dahil hindi sanay ang mga Pilipino na hindi mapagbigyan, naging malaking issue ang nangyare. Kung tutuusin mas may mali ang handler ni Charice dahil sinabi nya na "no interviews, she's just here to sing that's all." Bilang handler, aba 'e hindi lang si Charice ang i-handle mo, dapat pati situations na may kinalaman sa kanya. Mas maganda sana kung nung una pa lang, sinabi na lang na nya na hindi makakapagbigay ng interviews si Charice dahil kailangan nyang magpahinga. Kung maaga nasabi sa press, hindi sila aasa, at kung maayos sinabi, baka mas maging forgiving sila.
Ugali ng mga Pilipino pagbigyan lahat ng request. Masyado kasi nating iniisip ang sasabihin ng iba. Kaya pag tayo ang nagrequest, masyado tayong nag-e-expect na mapagbigyan din. Pag hindi napagbigyan, nagtatampo tayo, at nagkakasumpong.
Extreme example ng sumpong ng mga matampuhing Pilipino:
(Noon pa lang pala, humi-headline na tayo internationally sa ugaling nakakahiya.)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post