Himay sa "Bekimon"

By mgaepals on 09:02

Filed Under:

Nung una naming marinig ang salitang "bekimon" napamura kami dahil akala namin upgraded lang na "jejemon" yang mga yan. Pero hindi kami bumibira sa mga bagay na hindi namin naiintindihan. Kaso lang sa bagay na 'to, mukang hindi talaga namin maiintindihan 'to ng buo dahil ang hirap i-decode ng mga "bekimon".

Ang salitang "bekimon" ay pinaghalong salita na "beki" (bading sa salitang bading) at "mon" na hugot sa mapanirang peste sa palayan ng I.Q. na mga "jejemon"

Madami ang naaaliw sa mga "bekimon" at meron ding naaasar. Sinasabi ng iba na parang bading na "jejemon" lang daw itong mga 'to. Sa tingin namin, hindi.

Ang ka-jejemonan ay sa typing, samantalang ang ka-bekimonan ay more on speech.
Ang mga "jejemon" ay talamak sa pagpapa-arte ng mga salita na nagpapahirap sa nagbabasa, at ang mga biktima ng mga "jejemon" ay mga inosenteng tao. Samantalang ang mga "bekimon" ay nagbibigay ng option na hindi ka makinig dahil hindi mo naman sila kakayaning intindihin, lalo na kung nasa normal to high speed ang bilis ng pagsasalita nila. Ang jejemon ay naimbento ng mga taong gustong magpacool, at bobo sa spelling. Samantalang ang "bekimon" ay naimbento ng mga bading na walang magawa sa parlor.

Sa unang husga, mukang kagaguhan ang mga pinag-gagagawa ng mga "bekimon", pero sa mas malalim na paghihimay, maiisip mo na utak din ang puhunan ng mga nag-iimbento ng salita nila. Mukang hindi kakayanin makaisip ng taong mababa ang I.Q. ng mga terminology para i-substitute sa normal na salita. Mga salita at substitute terminologies tulad ng:

beki: bading

nanay: mudra

karma: Carmi Marin

tatay: fudra

tayo: jotons

securuty guard: guardo versosa

dito: diteshiwa

baduy: abby

lalake: otoko

nawala: na-lost in space

Bern Josep Persia : Isa sa pundasyon ng "bekimon phenomena"




Hindi natanggap ng mga tao ang "jejemon" dahil trying hard ang dating. Nagmama-angas na wala namang ipuputok. Sa tingin namin, mas kayang sikmurahin ang mga "bekimon" dahil muka lang silang masayang mga bading.

May mga taong naiirita dahil hindi daw nila maintindihan magsalita ang mga "bekimon". Pero maiirita ka ba sa mga taga China dahil lang hindi ka makaintindi ng Chinese? Maiirita ka ba sa mga taga America kung hindi ka makaintindi ng English? At maiirita ka ba kung hindi mo maintindihan ang tahol ng aso? Hindi porke hindi mo naiintindihan, pwede mo nang kasuklaman.


0 comments for this post

Post a Comment