Pataas presyo ng usok.
By mgaepals on 09:03
Filed Under:
May pinapausong kalokohan ang DOH (Department Of Health) na taasan daw ang tax ng yosi. Mula sa estimated price na 27pesos per pack, papalo ng mga 9opesos ang isang kaha. Ginawa ito sa U.S. at dahil tamad mag-isip ng sariling solusyon at walang originality ang DOH gusto nilang gayahin ito.
Hindi na dapat idebate kung mali ang pagyoyosi. Oo, masama ang sigarilyo sa kalusugan. Pero kung sa tingin nila ang pagpresyo ng 90pesos per pack ay magiging sagot sa pagpapatigil sa mga adik sa yosi, think again mofos.
Dahil ang galing-galing namin sobra, naisip na namin ang mangyayari. Imbis na tumigil sa pagyoyosi ang mga tao, babawasan nila ang budget nila sa pagkain, kuryente, at kung ano-ano pang necessities para lang matustusan ang pambili ng yosi. Hindi na nila pag-aaralin ang mga anak nila para lang makapagyosi. Magiging status symbol ang yosi at malulugi ang mga coffee shops dahil magyoyosi nalang ang mga gustong magpasosyal at hindi na bibili ng overpriced na kape. Mas dadami ang nagma-marijuana dahil papatak na halos kapresyo na ito ng yosi.
Hindi makatarungan para sa mga mahirap ang pagtataas ng presyo ng sigarilyo. Kapag nagkataon, nanakawin ng DOH ang karapatan ng mga mahirap sa simpleng palipas oras. Ang pagyoyosi ay parang fishing (hobby ng pangingisda), parang may ginagawa ka, pero kung tutuusin wala naman, at ito lang ang "hobby"ng iba.
Hindi ba masyadong pangmayaman ang diskarte ng DOH na yan?!! Makakabili parin naman ng yosi ang mga bilyonaryo na tulad namin. Kawawa naman kaming mga sobrang yaman, magiging unhealthy kami! Baket hindi nila gawing 8 billion pesos per pack ang mga yosi para patas???
Sa balanseng husgahan, masyado lang talaga anti-mahirap ang cigarette tax increase na gustong itulak ng DOH. Gawin mo kung ano ang maisip mong paraan para umabot ang mensaheng ito sa DOH, at sa Noynoy.
0 comments for this post