"Mahirap maging mahirap."

By mgaepals on 09:01

Filed Under:

Baket ba feeling ng mga nagsasabi nyan ang galing-galing nila? Kung maka-asta kala mo sila ang nakaisip ng slogan na yan. Narinig lang naman nila yan sa T.V. o nabasa sa flyers ng mga bangko. Proud na proud pa ang iba kapag sasabihin nila yan sa mga anak nila. Sa tingin ba nila nabibilib ang mga anak nila sakanila? Pansinin mo, ang mga taong nagsasabi nyan, kadalasan hindi naman mahirap. Ok lang naman sana sabihin yan kung ang magsasabi ay hindi na madrama na may patungu-tungo pa. Sobrang redundant nyang linya na yan. Parang sinabi mo lang na "Malamig sa taglamig." , "Masarap ang masarap." , o kaya "Mabaho maging tae."


"Mahirap maging mahirap."
Muka bang pinag-isipan yan?

0 comments for this post

Post a Comment