“Ang importante siguro — huwag naman magagalit kung tayo ay magmumungkahi na muli — mamili ng medyo cute na mga makakasama sa kapaligiran,"
By mgaepals on 09:01
Filed Under:
Yan ang payo ni presidential spokesman Rogelio Peyuan kay Noynoy Aquino
Sinabi din nya ito...
“Dapat maganda ang sense of judgment nito kung saan dapat akayin ang kabuuan ng bansa. Ito’y magiging depende sa kanyang matatanaw pagdilat ng kanyang mata at depende rin sa amoy hininga ng makakausap niya,"
At dapat daw, ang mga mapipiling Cabinet mambers ay laging nakangiti at laging mabango.
Kahit siraulo tumitigil din sa pag-ngiti. At kukulangin ang Cabinet mambers kung mababangong politician lang ang pipiliin.
Eto sii Rogelio Peyuan:
Kaya daw nya pinapayo ito kay Noynoy ay dahil ang mga disisyon ng isang presidente ay maaaring nakadipende sa mga taong una nyang makikita sa umaga.
Alam mo Rogelio, maniniwala siguro kami jan kung sasabihin mong isa ka sa mga unang nakikita ni Gloria sa umaga noon.
Manglait ka na kung manglalait ka, pero wag mo nang pagkaitan ng katungkulan kung kwalipikado naman at may ibubuga ang isang panget. Hindi kami nagmamalinis, pero kawawa naman kasi sila. Panget na nga, pagkakaitan mo pa ng pagkakataon.
Hindi naman namin sinasabing mali ang opinyon ni ginoong Rogelio Peyuan, pero sa tingin namin 'e pinaglihi ito sa tanga. May mga taong pinaglihi sa manggang hilaw, may mga taong pinaglihi sa manggang hinog. Si Rogelio pinaglihi sa manggang tanga.
picture hugot dito
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post