Nakita mo na ba ang ganda ng mga ilaw sa Paris kapag gabi? Wala kaming pakialam kung nakita mo na yun, pagusapan nalang natin ang mga langgam. Kapag nagkakasalubong ang mga langgam, muka silang nag-uusap, pero ang totoo ay nagkataon lang na pareho ang sinusundan nilang chemical path kaya nagkakauntugan sila. Ang chemical path na sinusundan nila ay nilalabas ng mga langgam para masundan nila ang daan patungo sa pagkain at pabalik ng nest nila. Maliliit lang ang mga langgam, pero alam mo ba na madaming maaapektohan na ibang hayop kapag nawala ang mga langgam sa mundo. Kaya hindi namin gustong mamatay lahat ng langgam sa buong mundo kahit nilanggam ang mga turon at kamoteque namin kanina. Sana lahat lang ng langgam sa Pilipinas ang mamatay, kahit yung mga nasa Quezon City lang.
0 comments for this post