Maki-history sa 30th Anniversary ng PAC-MAN (game) sa Google.

By mgaepals on 09:03

Filed Under:

Naging ugali na ng Google na paglaruan ang logo sa page ng search engine nila (Kawawa ka naman kung hindi mo napapansin yon.) Kadalasang basis nila ang mga international occasions (Chistmas, New Year, Anniversary ng MgaEpal.com, Independence day, etc.) pero minsan ay random lang ang design. At dahil 30th anniversary ng PAC-MAN na isa sa pinaka iconic na video game sa buong history ng video games sa mundo, ang kasalukuyang logo ng Google ngayon ay isang PLAYABLE PAC-MAN game.


Kung gusto mong masabing naging parte ka ng historic tribute ng Google na 'to, maglaro ka na bago pa palitan ng Google ang logo na yan.

How to play:
1) Pumunta ka sa google search engine page. Dahil alamnaming tamad kayo, eto ang link. Pero mamaya mo na i-click, magbasa ka muna, mabuti nang nagkakaintindihan tayo.

2) Sa una ay mukang image lang ang logo. Mag-antay ka ng ilang seconds, wag kang adelantado. Gagalaw na yan maya-maya.

3) Kusang gagalaw paabante ang tao mo, depende kung saan sya nakaharap. Ang controls ay "up arrow" para paharapin sa taas, "down arrow" para paharapin sa baba... hindi na namin itutuloy alam mo na dapat kung pano ang pakaliwa at kanan.

4) Kung masyado kang bata para malaman kung pano laruin ang PAC-MAN, eto: Para makapuntos, daanan/kainin mo ang mga "dots". Iwasang madikitan ng mga nakakumot na "monsters" daw. Pwede mong kainin ang mga "monsters" tuwing nakakain ka ng mas malaking bilog na kumikislap. Mataas din ang puntos kapag nakain mo ang "monsters".
Meron kang 3 na buhay. Nasa gilid ang score mo.

Nilaro din namin yan para maki-history. Nakakuha kame ng 573 points dahil mejo magaling lang kami. Badtrip nga lang dahil may natirang isang "dot", tang*na talaga. Eto ang screen shot ng natapos na laro ng MgaEpal.com.

Kaya mo ba yan? Kaya mo bang makakuha ng score na mas mataas sa 573?

Wag ka nang sumagot, hindi naman namin maririnig.
Enjoy sa laro, at good luck. Sana hindi umabot ng 573 ang score mo.

0 comments for this post

Post a Comment