Epal. Mas Epal.

By mgaepals on 09:04

Filed Under:

Epal: Ang ganda nung bagong tato ni emong sa braso 'no? May background na kamay ni God na binabali yung sungay ni satanas.

Mas Epal:
Onga, nakita ko nga kanina... Naniniwala ka ba na may Diyos at mga demonyo?

Epal: Sa Diyos lang...

Mas Epal: Baket?

Epal. Ayoko mapunta sa impyerno.

Mas Epal: Ganun ba yon???

Epal: Ewan ko. Basta yun ang gusto kong paniwalaan.

Mas Epal: Oo nga 'no! Kapag hindi ako naniwala na may nanay ang asawa ko, hindi na nya ako pwedeng pilitin sumama tuwing bibisita sya sa mama nya! Apir!

Epal: Ayaw mo sa byenan mo 'no?

Mas Epal: Pano mo nalaman?

0 comments for this post

Post a Comment