Mayweather, naging boksingero.
By mgaepals on 09:05
Filed Under:
Tuwing may pagkakataon, matindi naming pinapaalam dito na kontra Floyd Mayweather Jr. kami. Una, dahil mas maliksi ang bunganga nya kesa sa kamao nya. Pangalawa at mas importante, ay dahil sinisiraan nya ang nabigay na "pangtaas-noo kahit kanino" ng Pilipinas, sa pagbibintang nya na gumagamit ng enhancing drugs si Pacquiao. Pero 2 days ago, nagbitaw kami ng fight prediction sa Mayweather vs Mosley bout sa Plurk (Oo, para maabot ang mga mas batang basahero, nagkaplurk kami at sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, may mga nagiging fans pa.) at eto ang binitawan namin sa Plurk 2 days ago;
MgaEpal: Mayweather o Mosley? ang gusto ng lahat na manalo ay si Mosley... ang prediction namin, Mayweather... by decision.
At dahil ang galing galing galing galing galing namin, syempre pa, yun nga ang nangyari. Kahit madalas naming binabasag si Mayweather dito sa MgaEpal.com, sya parin ang pinili naming manalo dahil alam namin na matibay talaga ang dipensa nya sa laban. Pero ang hindi namin inasahan (at gumulat maging sa mga boxing annalists) ay ang opensa na pinakita ni Floyd Mayweather Jr.
Nag-umpisa ang laban na liamado si Shane Mosley. Kinuha ni Mosley ang unang round dahil naging agresibo sya, at pag-"ding!" ng bell sa second round pinagpatuloy nya ang magpapaulan ng malalakas na suntok kay Mayweather. Sa isang punto sa second round, tinamaan si Mayweather ng isang solid (punch) sa muka at dun napakinabangan ni Floyd ang pagiging mapride nya. Dahil mataas ang tingin ni Mayweather sa sarili nya, nainsulto si gago sa ginawa ni Mosley sakanya sa 1st at 2nd round at naging boksingero si Mayweather.
Sa pag-uumpisa ng 3rd round, nawala ang "play-safe" style ni Mayweather. Nagpakita ng opensa ng henyo si Floyd. Mula round 3 hanggang round 12, Mayweather owned Mosley. Mula round 3 hanggang round 12, hindi bumagal ang mga suntok ni Mayweather na hindi mo malaman kung san nanggagaling. At mula round 3 hanggang round 12, isang primyado at pulidong boksingero ang nakalaban ni Shane Mosley. Kahit kami, ay hindi makapaniwala sa bilis ng transition ni mayweather from defense to offense. Makikita mong nakakulob sa dipensa si Mayweather at liliyad-liyad lang gamit ang malikot nyang balikat, pero magkakaron ng magic at biglang may susulpot na kamao sa muka ni Mosley. Sa ganda ng pinakita ni Mayweather sa laban na 'to ay nakakuha sya ng respeto ng mas madaming tao gamit ang kamao nya sa ring. Natapos ang laban at tulad ng prediction namin, panalo, Mayweather... by decision.
Kung dati ay wala talaga kaming respeto kay Floyd, ngayon ay nakuha nya ang paghanga namin sa pagiging boksingero nya. Kung tungkol sa pagkatao nya, tae parin sya. Pero sa husay ng kilos nya sa taas ng ring (hindi basketball ring) masasabi naming kakaiba ang tibay ng taong 'to, at may paglalagyan talaga sa sya sa Hall of Fame. Sa pagtatapos nitong pabasa namin, isa lang ang gusto namin sabihin kay Floyd Mayweather Jr.... "Hindi naman knock out!"
0 comments for this post