Kahapon ang tinakdang Quit Facebook Day ng mga taong may reklamo sa privacy policy ng Facebook.
By mgaepals on 09:03
Filed Under:
Kung hindi din pala ignorante 'tong mga taong 'to, baket nila iisipin na madami ang gagawa nyan. Ikaw, lalampas ba sa 2 ang kakilala mong nag-quit ng Facebook kahapon? Sa kasalukuyan ay wala pa kaming kilala na nag-quit dahil sa "Quit Facebook Day" na yan.
Hindi kami anti o pro Facebook. Ang basehan lang namin kung baket ALAM NAMIN na gatuldok lang SA NGAYON ang may itlog na mag-quit ng Facebook account nila ay dahil wala pang makakatapat na networking site sa interest level na binibigay ng Facebook.
Meron kang plurk, pero may Facebook ka rin. May tumbler ka, pero may Facebook ka rin. May Twitter, o Blogger, o Wordpress, o baka may Friendster ka parin pero meron ka ring Facebook. Kahit mga taong walang personal Facebook account ay merong Facebook page. Parang mga taong may dalawang cellphone lang yan na merong Smart o Globe pero laging may Sun.
Hangga't walang tumatapat sa networking / activity interest na binibigay ng Facebook sa mga taong mahilig magpapansin, mang-stalk, makisosyalan, maki-update, makiepal, mang-usisa, at manglandi, hindi mawawalan ng patron ang Facebook kahit marami ang nagrereklamo. Alam ng Facebook na kailangan ng mga tao ang serbisyo nila kaya hindi sila nababahala. Parang MERALCO na malakas ang loob magtaas ng singil sa koryente dahil alam nilang walang ibang pagkukunan ng electricity ang mga taong kinonektahan nila. Sa tingin mo ba magiging ganyan kataas ang halaga ng koryente kung may competitor ang MERALCO? Hindi ka ba nagtataka kung baket hindi pinapayagan ng gobyerno na magkaron ng kalaban na kumpanya ang MERALCO?
Mabalik tayo sa Facebook...
Wag na nga.
0 comments for this post