Vice Ganda VS Tado (Behind the public apology...)

By mgaepals on 09:05

Filed Under:



Dissection:
Hindi na nagkaron ng round 2 dahil sa pareho ngang "nagpublic apologize" si Vice Ganda at Tado.

Sa tingin namin, ang ginawang pagsosorry ni Vice Ganda ay hindi dala ng tunay na nararamdaman nya. Pero matalinong diskarte ang ginawa nya dahil marami ang hindi nagustuhan ang ginawa ni Vice Ganda kay Tado "The Real Thing" Jimenez. Naglabasan ang mga anti-Vice Ganda sa mga networking sites at nagpahayag ng suporta kay Tado. Siguro dahil nalaman ni Vice Ganda na hihingi ng sorry si Tado, kaya inunahan na nya ito para mabait sya. Magaling na diskarte diba? Sa "Showtime", ang primyadong husgadero ay si Vice Ganda, pero sa takot na lalo pang mahusgahan, lumabas ang "sorry" straight from the horse's mouth.

*Bobo alert: Ang linyang "Straight from the horse's mouth" ay isang idiomatic expression na ang ibig sabihin ay "Mismong sya ang nagsabi.", at walang kinalaman na mukang kabayo si Vice Ganda.

Sa pagtatapos ng match-up na 'to, eto ang kanta na ihahandog sana ni Tado kay Vice Ganda:


Good luck at best wishes kay Vice Ganda.
Bomoto na mapatagal si Tado sa "Showtime". Kahit 3 weeks lang. Para masimulan ni Tado ang pagimprenta ng dyaryo nya.

0 comments for this post

Post a Comment