JolliGlee : Proud to be bubuyog.

By mgaepals on 09:04

Filed Under:

Kung basta-bastang bubuyog lang ang sumulpot sa palabas na yan, hindi kapansin-pansin, pero dahil Pilipino ang bubuyog na pasilip-silip sa background, syempre pinag-usapan ng lahat.

Jollibee on glee:


Kung sinadya man ng Jollibee ang placement na yan (Wala pang pormal na aminan na nagaganap), magaling ang naging diskarte ng Jollibee dito dahil napuna naman talaga. Sino ba namang Pilipino ang hindi makakakilala sa bubuyog na yan?



Hindi mukang chamba ang pagkakapareho ng naganap na sayawan sa Mall Of Asia at naganap na sayawan sa pantasya ni McLovin.

Trivia: Taga Ohio ang mga tao sa Glee, at ang mga store location ng Jollibee sa US ay sa California, Nevada, at New York lang.

(Niresearch lang namin yan. Hindi kami nanunuod ng Glee dahil hindi kami babae.)

0 comments for this post

Post a Comment