Anti-kumportable

By mgaepals on 09:05

Filed Under:

Marami tao ang natututo dito sa MgaEpal.com... hindi namin sinasabing laging mabuti ang natututunan, pero meron kang matututunan. Ugali naming magmarunong... dahil magaling kami... kahit nakainom. Pero paminsan-minsan meron talagang mga bagay na kahit kami, hindi namin mahanapan ng sagot. Merong 365 na araw sa loob ng isang taon. Para sa mga may balak magpatawa at magsabi ng "e pano pag leap year?"... 366 days pag leap year gago! Sa 365/366 days na yan, mga 223 na araw jan ay pumapasok ang mga studyante at Sabado, Linggo lang ang pahinga pero may dalawang buwan na bakasyon. Kung nagtatrabaho ka naman, mga 279 na araw kang pumapasok sa loob ng isang taon dahil bukod sa Sabado, Linggo na walang pasok, meron ka lang 14 na araw para sa holiday at holy week vacation.

Nagpapakahirap kang mag-aral ng 223 na araw para makahanap ng trabaho, at nagpapakakuba ka magtrabaho sa loob ng 279 na araw para kumita ng pera at makabayad ng koryente, tubig, at upa sa bahay. Pero baket may mga taong nag-aaksaya ng panahon para mag-camping tuwing bakasyon? Masaya bang maglakad ng pagkahaba-haba? Enjoy bang magpasunog sa araw? Masarap bang makagat ng mga dragon lamok na napapatay lang ng dragon katol na dragon kung umusowk lamowk sigowradowng teypowk? Muka bang enjoy maging homeless?

Kayong mga mahilig mag-camping, ibigay nyo nalang ang bahay at ari-arian nyo sa mga yagit, at kayo ang mag-camping sa kalsada habangbuhay.

0 comments for this post

Post a Comment