"Sorry, tao lang."
By mgaepals on 09:02
Filed Under:
Double pakyu with cheese sa mga taong nagsasabi nyan. Tuwing nagkakamali sa pagsasalita, "Sorry, tao lang.". Tuwing nagkakamali sa simpleng bagay, "Sorry, tao lang.". Utang na loob, hindi nakakatawa. Oo nga, tao ka lang at nagkakamali. Pero kung tuwing sa LAHAT ng kabobohan mo, yan ang patawang hirit mo, gago ka. Ang mga tao ang binigyan ng pinaka mataas na pagiintindi, at ang mga tao ang binigyan ng pinaka malawak na sense of reason.Kung aso ka at tinitira mo ang hita ng amo mo dahil nag-iinit ka, pwede mo sabihin ang "Sorry, hayop lang." Kung pusa ka at kinain mo ang ulam ng mga tao sa bahay, "Sorry, hayop lang.". Kung baboy ka at nangungurakot ka sa gobyerno, "Sorry, hayop lang.". Kung kalabaw ka at nanuwag ka ng magsasaka, pwede mo din sabihin ang "Sorry, hayop lang.". Pero kung tao ka, tigilan mo na ang nuknukan ng korning hirit na "Sorry, tao lang." dahil nahihirapan nang tumawa ng peke ang mga kakilala mo tuwing ihihirit mo yan.
0 comments for this post