Usok ng baby.

By mgaepals on 09:03

Filed Under:

Isa sa mga unang tinuturo at natututunan natin sa pagkabata ay ang "Close, Open, Close, Open"
pero para sa 2 years old na si Ardi Rizal ng Indonesia, ang tinuro sakanya ay "Hithit, Buga, Hithit, Buga".

Sinasabing ang tatay ni Ardi ang nagpatikim sa bata ng yosi, at ngayon ay addicted na ang baby na yan sa nicotine. Malungkot ang nanay ni Ardi dahil hindi daw mapigilan ng bata magyosi at nagta-tantrums kapag hindi nabigyan. Para naman sa gung-gong na tatay nya, ok lang daw ito at nagsabi pa ng "He looks pretty healthy to me. I don't see the problem." Sa palagay namin 'e mukang hindi lang yosi ang hinihithit ng tatay ni Ardi.


Aba pwedeng pagkakitaan 'to sa karnibal 'a!

Ang inaabangan naming makita 'e kung alak ba ang dinedede nyang baby na yan. Alam nyong hindi kami moralista. Ang samin lang, lagyan naman sana ninyo ng limitasyon ang pagkunsinte sa mga anak nyo. Kahit antayin nyo man lang na tubuan ng buhok sa kili-kili yang mga yan bago nyo pabayaang mapariwara.

Pinapayagan pang magdrive tsk tsk tsk...

GOVERNMENT WARNING: BOBONG TATAY IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH.

nagpausok ng issue dito

0 comments for this post

Post a Comment