SABAT : Sarita Carreon

By mgaepals on 09:00

Filed Under:


Kaya mo bang magmoon walk... habang naka-high heels... sa moon??? Si Sarita Carreon, oo, pero hindi sa moon. Gumawa ng ingay sa Yahoo! news Philippines ang video ni Sarita na nagmu-moonwalk habang nagpeperform ang URB band ng isang MJ medley.




Kinutuban kami na pambihira ang taong gaya ni Sarita kaya alam namin na kailangan namin syang makuhaan ng SABAT interview. Hindi kami nagkamali ng kutob dahil sa kanyang mga kasagutan, makikita na ang katauhan nya ay nababalot ng pagmamahal sa buhay, pamilya, at musika. Isang taong masipag sa trabaho (Singer / Model) at balanse ang timpla sa buhay (at sexy pa). Eto si miss Sarita Carreon at ang kanyang mga... SABAT.


Manong Guard: Papano ka natuto ng mga Michael Jackson na sayaw?

Sarita: Nung pinanganak ako, tawag na nanay ko sakin Michael Jackson kasi kulot ang buhok ko (pero hindi naman kinky! haha). Gusto ng mama ko si MJ, kaya naexpose ako sa music ni MJ simula pagkabata at lagi kong pinapanood mga (old school) music videos nya.

(Kaya pala Michael Jackson din ang tawag kay Michael Jackson dahil kulot din si Michael Jackson nung bata sya.)

Boss Chip: Wala pang pumapalit sa trono ni Michael Jackson. Sa tingin mo ba kaya mong maging King of Pop?

Sarita: Walang makakapalit kay MJ. Atsaka, hindi ako pwedeng maging King of Pop... hmmm, di pa ko successful magmukhang lalake.


(Hindi naman imposibleng babae ang sunod na maging King of Pop. Sa panahon ngayon may pagkakapantay-pantay na ang babae at lalake. Si Floyd Mayweather Jr. nga naging Pound for Pound Queen ng boxing.)


Kulturantado: You have been married for a long time now, and it seems you and your husband Marlou Cabusas, are very happy together. Ano ang maipapayo mo sa mga mag-asawa na GUSTO maghiwalay?

Sarita: Hahahahaha! *kamot ulo* Madali lang yan. Magpakasal sila, tapos maghiwalay sila. Kasi hindi naman sila pwedeng maghiwalay kung hindi sila magkasama.

(Point taken.)

Bunso: Anong pangyayare sa buhay mo ang nagkaroon ng pinaka malaking impact sayo? At bakit?

Sarita: Hmmmm, siguro ang pinaka-malaking impact sakin was when I had a daughter. Totoo yung sinasabi nilang magbabago ang pananaw mo sa buhay once na magkaron ka ng anak. Nagkaroon ng purpose and meaning ang life ko when I had her, hindi lang for me, pati na rin kay Marl.

(Naks naman, napaka "loving mommy" naman ng sagot na yan. Pero baket yung ibang politiko may mga anak naman pero wala paring purpose in life?)

Manong Guard: By the way you talked about your mom on your website, it seems that she's a very special woman. Kung pagkain ang nanay mo, anong klase sya? At bakit?

Sarita: Hahahaha! Ganda ng tanong, bigla ako nagka-migraine! haha. Kung pagkain ang nanay ko, isa syang chocolate. Kasi ayokong wala sya sa buhay ko, gusto ko lagi syang parte ng araw ko.

(Kung sa amin pala, 'e mga alak ang nanay namin. Dahil ayaw din naming wala sila sa buhay namin at lagi din silang parte ng araw namin. Mabuhay ang mama mo, at sana lagi syang maging tsokolate ng buhay mo.)

Boss Chip: Ano ang pinaka mabangis na bagay na naipalo sayo ng nanay mo nung bata ka? At bakit ka nya pinalo?

Sarita: Lagi akong nakukurot ng nanay ko sa singit haha. But there was this incident nung naiwan namin ng pinsan ko na nakabukas ang pinto ng bahay kasi lumabas kame ng madaling araw. When we woke up the next day, galit na galit ang mama ko. For the first time ever, nanginig ako nung kinuha nya yung sinturon - hindi pa ako napapalo ng sinturon!!! So nauna paluin yung pinsan ko, syempre umiyak ang pinsan ko. Pagdating sakin, pinadapa ako sa center table ng sala namin. Pagpalo ng sinturon, nagtaka ang mama ko bakit iba ang tunog ng palo sa kin. Then natawa bigla mama ko kasi she realized na naglagay ako ng foam and karton sa pwet ko! Hahahaha! That was the only time na napalo ako ng sinturon.

(Para sa mama ni Sarita; Paki palo ho yung anak nyo ngayon ng sinturon. Lugi naman yung pinsan nya.
PS: Paki check ho muna baka maglagay na naman ng foam at cardboard yan.)


Kulturantado: Nabiyayaan kayo ng anak na babae. Balang araw ay magdadalaga sya at liligawan ng mga lalake. Ano ang mas pipiliin nyo manligaw sakanya, mahirap pero masipag na lalake, mayaman pero tamad na lalake, o mahirap at batugan na lalake? Yung totoo.

Sarita: Naku parang ang hirap yata nyan kasi lahat ng magulang, gusto nilang maginhawa ang buhay ng anak nila. Given the choices, pipiliin ko yung mahirap pero masipag na lalake. Kasi may pag-asang umasenso sa buhay.

(Bwiset na mga masipag yan, pasikat talaga sa mga babae.)

Bunso: Maganda ka at poging din ang asawa mo kaya normal siguro na may mga kanya-kanyang admirers kayo lalo na at magkasama kayo sa banda. Sino ang mas madalas magselos sainyong dalawa?

Sarita: Naku, napagdaanan na namin ang selosan, we're sooo way past that. Nung magshota pa lang kame, araw-araw bangayan, pareho kameng seloso't selosa kasi. Pero eventually, nung napatunayan na naming matibay ang pagsasama namin, hindi na kame nagseselosan. Minsan na lang.

(Tama. Dahil ang mga nagseselos lang ay mga taong walang tiwala, insecure, at mga babaeng may mga bobong boyfriend na bobo magimbento ng palusot.)

Manong Guard: Tatlo kayo sa U.R.B. (Unlimited Rhythm Body) band, with members Marlou Cabusas, Sarita Carreon, and Aretha Labial. Life partners kayo ni Marlou, papayag ba kayo halimbawa gustuhin sumali ng life partner ni Aretha sa banda? (Hindi namin alam kung musician or singer ang life partner ni Aretha)

Sarita: Wala namang kaso sa amin yun, pero U.R.B. kasi is meant to be a 3-piece band. And it's been successful as a 3-piece band for 10 years now, so we'd rather stay that way. But we are open for option in the future, lalo na kung para sa ikagaganda ng U.R.B. Buti pa, si Aretha ang tanungin natin kung papayag sya, hehehe!

(Edi maging 3-piece band parin kayo kahit apat kayo.)

Boss Chip: Halimbawa may gustong kumuha sayo na sikat na banda na may international recognition, iiwan mo ba ang U.R.B. band? Bakit oo, or bakit hindi?

Sarita: Ah eh...hehe. Seryoso, hindi ko pa masasabi ngayon. Kasi tingnan nyo naman si Arnel Pineda, it was really worth sacrificing for - dream nya yun e. As for me, marami akong kailangan iconsider. Wala pa sa isip ko yan. I'll just cross the bridge when I get there. Charing! haha.

(May bridge bridge ka pang nalalaman ha. Pero oo tama ka. Totoo ngang in every descision that you do you have to make certain sacrifices at mahirap ngang pagpiliian ang pakikisama at ang personal na mithiin.)

Kulturantado: Meron ka nang anak pero sexy ka parin (Bagay na ipinagdarasal ng mga kalalakihan para sa mga asawa nila. Mabait siguro si Marlou kay God) Ano ang mabibigay mong pinaka EFFECTIVE na payo sa mga gustong magpapayat pagkatapos manganak?

Sarita: Exercise and control sa pagkain. Alam kong mahirap magcontrol - lalo na if the mother is breastfeeding - pero if there's a will, there's a way. Pero exercise lang talaga. I do Pilates and Yoga kahit na I dance for 4 hours every night at work. That allows me to eat whatever I want.

(Kaya kayong mga nanay, magkaron kayo ng will para magkaron ng way. At sumayaw din kayo sa trabaho nyo ng apat na oras. Habang may kausap na client, sayaw lang. Kahit nasa board meeting, sayaw parin.)

Bunso: Magbigay ka ng tatlo sa mga kino-consider mo na karapatdapat sa pagkapresidente sa mga tumatakbo para sa 2010 presidential election. Tatlo lang. Sino-sino at baket? (in no particular order)

Sarita: Noynoy - kasi nacute-an ako kay baby James sa TV campaign ad. haha. But I do believe it runs in their family & this is his calling - to continue what his father should have done in the first place.

Gibo - he showed enough courage to answer questions directly thrown at him, straight to the point.

Villar - kasi marami syang natulungang OFWs kagaya ko.

(Si Jamby ayaw mo? Cute din naman sya parang si baby James. Sinasagot din naman nya ang mga binabatong tanong, madalas pa nga 'e sya ang kumikwestyon. At balak din nya maging OFW dahil aalis daw sya ng Pilipinas kung sakaling manalo si Villar.)


Salamat Sarita para sa mga SABAT mo sa tanong namin.
Get to know more about Sarita and become her fan, follower, or friend on the following links.

www.saritaonline.com (official site)
www.port.saritaonline.com (modeling portfolio)
www.badeedadee.com (marl's photography)
www.urbband.com (URB's site)
twitter.com/saritaonline (twitter)
meme.yahoo.com/saritaonline (y! meme)

0 comments for this post

Post a Comment