"Husgadero"

By mgaepals on 09:02

Filed Under:

Kadalasan kapag nakakakita ka ng magshota na isang pangit at isang maganda o gwapo, ang unang reaksyon natin ay "uy jackpot!" o kaya "lugi!".

Kapag maganda o gwapo ang shota mo at panget ka...
  • May takot kang baka may manglandi sa shota mo.
  • Hindi ka kampante tuwing lalabas sya ng hindi ka kasama dahil baka may makilala syang iba.
  • Nahihiya ka minsan dahil isip mo tingin ng iba hindi kayo bagay.
  • Nagmumuka kang alalay / alaga.
  • Nagseselos ka dahil madaming tumitingin sakanya.
  • Nag-aaway kayo dahil ayaw mong kasama nya ang mga "kaibigan" nya dahil alam mong may gusto sakanya ang mga yun.
  • Hindi naniniwala ang mga tao na shota mo sya kahit nagsabi ka na ng "swear, promise, mamatay man ako, hope to die, tamaan man ako ng kidlat, liars go to hell."

Kapag panget ang shota mo at gwapo o maganda ka...
  • Kompyansa ka dahil alam mong walang nanlalandi sakanya.
  • Muka kang mabait at hindi superficial.
  • Hindi ka tataba dahil wala kang gana kumain tuwing kaharap mo sya.
  • Muka kang sosyal dahil muka syang alalay.
  • Muka kang animal lover dahil muka syang alaga.
  • Alam mong loyal sya sayo kahit hindi nya sinasadya.

Mababaw ang tingin natin sa mga naaakit sa panlabas na itsura. Pero ang malupit na katotohanan, ang panlabas na anyo ang unang kukuha ng atensyon mo at interes na kilalanin ang isang tao. Ang mga nakalista sa taas ay ang malabong basehan at produkto ng mapanggago naming utak. Pero sa mas malalim na paghihimay, masasabing sa pagtanda natin.., sa pagkulubot ng balat at paglabo ng mata ng dalawang taong nag-ugnayan, dun lang natin malalaman ang totoo... dun lang natin malalaman kung sino ang malaki ang "nalugi", at sino ang tunay na "jumackpot".

0 comments for this post

Post a Comment