Puro salita.

By mgaepals on 09:01

Filed Under:

Nagagalit tayo kapag may nanglalait sa Pilipinas o sa mga Pilipino. Makanti lang ng konti ang pangalan ng Pilipinas, naghuhurumintado na tayo sa Youtube at sa mga blogs. Pero kung makapangmata ang iba sa atin ng mga probinsyano, pakiramdam nila nakakatawa sila. Wala namang masama kung palambing ang banat, pero kadalasan personal ang tirada ng karamihan. Kapag may nakitang "fashion" na hindi uso, sasabihing "bisaya". Alam nyo bang sobrang daming modelo at designer ang bisaya? Paki sabi yan sa mga pacool mong kakilala na gumagamit ng salitang "bisaya" para manglait. Andiyan din ang mga Pilipino na galit sa Muslim. Kung hindi ba naman isa't kalahating kamangmangan ang dumi na napulot ng utak nila. Galit sila sa Muslim hindi dahil sa mga nagawa nito sakanila. Ayaw nila sa Muslim dahil lang sa mga naririnig nila. Minsan takot sila sa muslim dahil sa mga kabobohan na naririnig nila sa ibang tao. Wag ka nang magpanggap na "Proud to be Pinoy" o kaya "For Pinoy Unity" ka at wala kang karapatan magalit sa mga nanglalait sa Pilipino kung ikaw mismo ang nagmamagaling at nanglalait sa kapwa mo Pilipino. May mga oras din na kahit hindi natin gusto ang panglalait sa ibang lahing Pilipino, tumatahimik lang tayo dahil takot tayong magsalita, at gusto natin "makisama". Kung ang pinakikisamahan mo ay taong walang respeto sa KABABAYAN, at hindi mo itatama ang baluktot na utak nyang mga yan, pareho lang kayong kasing-kadiri ng lumot sa lumang toothbrush. Wag maging ignorante sa sariling kagaguhan. Wag magmalinis sa ibang lahi kung ikaw muna mismo ang dapat linisin.

0 comments for this post

Post a Comment