Alam mo ba na wala sa politics ang pinaka bobong hayop sa mundo? Oo, mahirap paniwalaan pero hindi isang politiko ang pinaka bobong hayop sa mundo. Isang ibon, ang pinaka bobong hayop na NABUHAY sa mundo. "Nabuhay" at hindi "buhay" dahil extinct na ang hayop na 'to. Ito ay ang Dodo Bird.
Skeletal remains ng Dodo Bird.
Ang dodo bird ay nabuhay sa island ng Mauritius. Sinasabing lumalaki yun ng hanggang 3 feet, at umaabot sa 40 pounds ang bigat. Unang natuklasan ang mga dodo bird noong 1581 at sinasabing naging extinct noong 1662. Sa loob ng higit-kumulang 80 years pagkatapos nito madiscover, naging extinct na ito. Ang reputasyon ng dodo bird bilang pinaka bobong hayop na nabuhay sa mundo ay nanggaling sa dahilan kung baket sila mabilis na naging extinct. Ang karne ng dodo bird ay hindi naman daw masyadong masarap kumpara sa ibang ibon, pero dahil laman tiyan parin yan, kinakain parin sila ng mga tao na naninirahan sa Mauritius at mga taong napapadaan sa isla sakay ng mga malalaking barko. Dahil sa ang dodo bird ay hindi nakakalipad, madali silang nahuhuli ng mga tao, pero ang ugat ng bobong reputasyon ng mga dodo bird ay dahil hindi sila tumatakbo palayo sa mga taong nanghuhuli sakanila, at minsan sila pa ang lumalapit sa mga tao.
Pinaniniwalaang itsura ng Dodo Bird.
Hindi lang siguro ito ang pinaka bobong hayop, ito na din siguro ang pinaka malaswa.
"DODO" na "BIRD' pa.
"DODO" na "BIRD' pa.
pictures hugot dito
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post