Labor Day "K J"

By mgaepals on 09:03

Filed Under:

Nagalit si Bayan Muna Rep. Saturnino “Satur" Ocampo dahil nilipat ni Gloria Macapagal-Arroyo ang Labor Day ngayong taon sa May 3. Normal na May 1 ang Labor Day kaya ang tingin ni Saturnino ay hindi nirerespeto ni Arroyo ang mga manggagawa. Pumatak sa Sabado ang Labor Day ngayong taon, ginawang Lunes para sa mas mahabang weekend.

MgaEpal.com Reacts:
Mr. Saturnino Ocampo, ayaw mo ba ng mahabang weekend? Ang reklamo nyo ay dahil lihis sa tradisyon ang ginawa ni Arroyo dahil May 1 ang INTERNATIONAL Labor Day. Ano ngayon??? Dito ka nalang magconcentrate sa NATIONAL pabayaan mo na yang INTER. Sino ba ang nagdikta na May 1 gawin yan? Hindi naman Pilipino diba?

Pabayaan nyo nang pahabain ni Gloria ang mga weekend. Yan na nga lang ang pakinabang nya.

Alam nyo ba na ang Labor Day ay para i-celebrate ang economic at social achievements ng mga manggagawa? Sa paraan ng pagtrato ng gobyerno sa atin ngayon, wala tayo nun... Pasalamat nalang tayo na kahit papano ay nakiki-Labor Day pa tayo.

0 comments for this post

Post a Comment