DPWH fake photo (Photong Ina Naman)

By mgaepals on 05:23

Filed Under:

Wala kaming internet access nung may nagsabi sa amin na may altered photo ng DPWH officials sa may seawall ng Manila Bay. Inisip namin na hindi naman siguro big deal. Inabangan namin sa news sa T.V kagabi, wala namang nabanggit tungkol don. 'O baka hindi lang namin nakita dahil palipat-lipat kami ng channel. Well anyway, kanina hinanap namin yung controversial photo na yon. Sabi nila sobrang halata daw na Photoshopped yung picture. Nung nakita namin, naisip namin na hindi halata... Hindi halatang may utak yung gumawa.

 Yan yung photo na binalandra ng DPWH sa Facebook page nila.

Sa blog ni Pierre Albert San Diego pinaka unang na-expose yung kabobohan ng altered photo na yan. Magaling yung pagkakahimay na ginawa. Eto yung ginawang visual aid ni Pierre...

[click image to enlarge]

Nagpaliwanag na yung DPWH kung baket nangyare yan. Actually SINUBUKAN nilang magpaliwanak. "Sinubukan" lang dahil wala naman silang sinabing dahilan kung baket nila ginawa yan. Sinabi lang nila na walang kinalaman yung tatlong officials na nasa picture. At may kuha naman talaga na on location talaga yung tatlong yan. Eto yung shot na hindi altered...

So ano ang dahilan kung baket kailangan mag-edit ng photo? Mas payat ba sila dun sa mga ginamit na pictures? Gusto lang ba nila na nasa background yung dagat para romantic? At baket ang bobo nung pagkaka-edit? Imbis na mapakita nila sa tao na kumikilos sila, nagmuka lang tanga yung DPWH. 

Ginawa din yan noon sa China. Tatlong tao din, na nag-i-inspect naman ng kalsada. Eto yung pinalutang na image sa China.

 PINALUTANG talaga.

Uso ba mag-produce ng nakakabobong fake pictures ng mga tao sa gobyerno? Sa susunod na gagawa sila ng ganyang ka-abnoyan, mag-hire sila ng decent na graphic artist. Nakakagago yung lokohin nila tayo. Pero mas nakakagago na ang bobo nung attempt nilang manloko. Sa totoo lang nakaka-insulto, dahil lumalabas na tanga ang tingin nila sa mga tao.

Totoo ngang a picture paints a thousand words. At sa pagkakataon na 'to, isang picture ang nagpakita kung gaano kamangmang ang tingin ng gobyerno sa mga tao. Dahil sa nangyare, natatakot sila na baka mabawasan ang tiwala ng mga mamamayan sa gobyerno. Pero wag silang mag-alala, dahil hindi naman pwedeng mabawasan ang WALA.

 
Para sa pinaka ugat ng kwento,
bosohan ang paghihimay ni Pierre Albert San Diego
credits: quiapo.wordpress.com

0 comments for this post

Post a Comment