Reaction, Re-Reaction and Re-Re-Reaction.
By mgaepals on 09:01
Filed Under:
Reaksyon ng MgaEpal.com sa sagot ni Shamcey sa Miss Universe 2011 Q and A:
Maganda naman yung sagot ni Shamcey para sa isang beauty contest na pabor sayo kung moralista ka. Sobrang hirap nung tanong. Kailangan nyang sumagot ng pabor sa religion. Syempre, moralista ang mundo 'e. Kung sinabi nyang magpapalit sya ng religion para sa mahal nyang tao, madami na namang bobo na aapila. Hindi kami anti-religion, nagagaguhan lang kame sa ruling ng iba na hindi pumapayag ikasal ang dalawang tao dahil lang iba ang religion nung isa. Pero ang basehan kung baket sa tingin namin ok yung sagot ni Shamcey, ay dahil alam naming panalo ang sagot nya para sa madaming tao. Miss Universe Pageant yan, at ang buong universe ay moralista.
Reaksyon ni kenneth:
Magandang araw po. ako po ay isang masugid na tagabasa ng blog niyo. Natutuwa ako sa mga pinopost niyo dito, hinahangaan ko ang humor at pagiging witty niyo. May isa lang po akong ikinatampo sa blogpost niyo. Ito ay yung tungkol sa sinabi niyong " Hindi kami anti-religion, nagagaguhan lang kame sa ruling ng iba na hindi pumapayag ikasal ang dalawang tao dahil lang iba ang religion nung isa." Sana po, bago po ninyo sinabi iyon, nagresearch muna kayo o nagtanong dun sa pinatutungkulan ninyong relihiyon kung bakit ganoon ang aral sa kanila. Hindi po lahat ng bagay ay dapat binabase natin sa sarili nating paniniwala. Bigay galang po tayo. Salamat po!
Reaksyon ni boy talbos:
Actually, matagal ko nang nabasa yung about sa result ng miss universe na pabasa ninyo. At malaking tutol ako doon sa reaksyon nyo na binase ninyo ang opinyon nyo sa pagiging "moralista" ng mundo. Tama na moralista nga ang pagiging maka-Diyos at makatao, sablay nga lang ang patutsada niyo dahil ginusto ninyo na dapat ay piliin niya ang pagpapalit ng relihiyon para sa mahal niya. Isipin niyo rin na sinagot niya ang pagpili sa relihiyon laban sa minamahal dahil iyon ang alam niyang tama.
MgaEpal.com:
Himayin natin isa-isa yung content ng comments nila. Teka, bago ang lahat, salamat nga pala sa reaksyon. Eto na...
Tungkol sa sinabi naming "Hindi kami anti-religion, nagagaguhan lang kame sa ruling ng iba na hindi pumapayag ikasal ang dalawang tao dahil lang iba ang religion nung isa." Totoo yon. At tinanong na namin nung mga bata pa kami, sa ibang "leaders" ng ibang religion kung baket ganon. Ang sagot nila, dahil isang Diyos lang ang dapat paglingkuran. May point diba? Kaso iba-ibang leaders ng iba't ibang religion ang nagsabi nyan. So kaninong diyos ang dapat paglingkuran. Sa tingin namin isa lang ang God ng LAHAT NG RELIGION. Naging iba-iba lang ang interpretation ng teachings. Kaya dapat pwedeng ikasal kahit magkaiba kayo ng paniniwala. At payagan na ituloy nyo ang paglilingkod kay Lord sa sarili ninyong paraan. Ang maganda sa pagtatanong namin ng kung ano-ano tuwing may nakikilala kaming religious leader, may nakikilala din kaming hindi takot lumangoy laban sa agos. May sumagot ng tanong namin na nagsabi na kahit malakas ang faith nya sa religion nya, hindi din sya agree na hindi pwedeng ikasal ang dalawang tao dahil lang magkaiba sila ng religion.
Salamat sa concern at pagsasabi na sana nag-research muna kami. Wag kayong mag-alala, sa topic na yan, nauna pa ang research namin, more than 7 years ago. Nagkataon lang siguro na interesado kami sa madaming bagay kaya mahilig kami magtanong. Tama ka na hindi LAHAT ng bagay, dapat binabase sa sariling paniniwala. Pero kung OPINION ang binibitawan, sariling paniniwala talaga ang basehan. Tama? Tama. At sa comment mo na "Bigay galang lang po." Pasensya na, pero pano namin igagalang ang ruling na nagiging hadlang sa pagpapakasal ng mga taong nagmamahalan ng totoo, at nagkataon lang na bininyagan sa magkaibang religion? Matuto muna silang intindihin ang karapatang para sa pagkakapantay-pantay. Alam nyo ba na ang pinaka ugat ng ganyang ruling sa ibang religion ay para makahatak ng followers? Nung mga sinaunang panahon, ginagawang bait ang mga members ng ibang religion para paibigin ang mga tao na hindi pa members. At para pwede silang ikasal, kailangan magpa-convert o sumali nung taong yon sa religion nila. Sana mag-research din kayo para magkaron kayo ng ibang basehan. Tulad ng sinabi namin, hindi kami anti-religion. Pero wala din kaming religion na pinapanigan. Pro-religion kame kung tutuusin. Baket? Dahil it keeps order while preventing chaos. It gives hope. It gives people a reason not to cause harm to others. At madami pang magandang epekto. Depende lang yan sa mga taong nagpapatakbo nung religion.
Sa content ng pangalawang reaksyon naman, sinabi mo na moralista nga ang pagiging makadiyos, at makatao. Pero hindi kami ang nagsabi nyan. Kung tutuusin mali ang paniniwalang yan. Sa totoo lang maka-Diyos kami. Malakas ang tiwala namin kay God. Kay God, at wala nang iba pa. Pero hindi kami moralista. Nagiging moralista ang isang tao pag ang batayan nya ng tama at mali ay base sa sasabihin ng karamihan, o base sa sinabing "tama" ng tao lang. Alam nyo naman ang basehan ng "tama" at "mali". Kung wala kang naaragabyado, nasasaktan, o iniisahan, hindi mali yon. So sa pagpapakasal ng dalawang magkaiba ang religion, may sinasaktan ba sila? May maaragabyado ba? May iniisahan ba? Wala diba? Pano nila sasabihing mali yon? Yon ang magandang halimbawa ng pagiging moralista. Tungkol naman sa sinasabi mong sana inisip din namin na kaya pinili ni Shamcey ang religion kesa sa pagmamahal ay dahil baka yun talaga ang paniniwala nya... Kelan ba namin sinabing hindi yon ang dahilan nya? Wala kaming sinabi na hindi yun ang totoong paniniwala nya. Ang laman ng reaksyon namin, ay kung baket sa tingin namin maganda ang sagot nya para sa madaming tao. Sana nalinaw namin yung mga inakala nyong ibig namin sabihin. Pasensya na kung kulang pa, mahirap talagang i-dissect yung issue na yan. Salamat ulit.
May mga nagpadala din ng tanong na kung kami daw ang sasagot sa tinanong kay Shamcey, ano daw ang isasagot namin?
Eto yung tanong...
“Would you change your religious beliefs to marry the person you love?”
Eto ang sagot namin...
Religion isn't supposed to be an issue between two people in love. We believe everyone serves their purpose to one God, and religion is just a label given to a group of people having the same way of serving God. Yes, we would change our religion to be able to marry the person we love, but our beliefs and way of serving Him will remain.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post