Ask The Authors (Neo-writer)

By mgaepals on 13:43

Filed Under:

Tanong galing kay Ern:
Nakasali po ako sa school paper namin as literary editor. Maganda naman yun for me as a newbie sa larangan ng pagsusulat. From journalistic to creative writing. Naeenjoy ko ang paggawa ng articles na i-pupublish sana this sem. Pero may problema na nangyari. Nalaman ng school admin na may isa akong dropped na subject(Microeconomics), pero walang kinalaman yun sa bagong course ko (nag-shift ako). So ang disciplinary action ng school admin, tangalin ang discount sa tuition ko na 40%. Pero hindi lang yun, pagkatapos ang ilang linggo, nagdisisyon ang school admin na tangalin ako sa editorial board as thier staff. Nakakalungkot. Wala naman sa school policy ang ginawa ng admin. Ayun, nakabinbin sa computer ng editorial board ang mga articles ko na ipa-publish sana this sem. Any advice or  encouragement from you mga sir? Thanks and more power.

MgaEpal.com:
Naging part din kami ng school paper nung high school kame. Sa sports section, at sa literary din. Kahit pa sabihin nating ginawa lang namin yon para sa extra credit dahil muntik na kaming bumagsak sa dahilan na mas completo pa ang attendance namin sa paglalaro ng counterstrike at basketball noon, at kahit pa halos wala naman talaga kaming silbi sa school paper, nakita namin kung gaanong effort ang ginagawa nung mga kasama namin na nagtatrabaho talaga. Kaya kung hilig mo talaga ang pagsusulat, nakakahinayang nga yung effort mo. Yung sa nawalang 40% na discount sa tuition mo, kung may ruling talaga na ganon sa school mo, wala ka nang magagawa. Sa issue naman na natanggal ka as staff ng school paper, kausapin mo one on one yung school admin. Wag sa harap ng ibang tao. Wag sa harap ng kahit isang tao lang. Dapat kayong dalawa lang. Mas nagpapaka-mahigpit kase ang mga "people of authority" pag may ibang tao. Paki-usapan mo muna na kung pwede, makapag-stay ka sa position mo sa school paper. Mag-research ka muna kung wala nga ba talaga sa school policy yung ginawa nya. Magtanong ka sa guidance councilor. Kung 100% sure ka na wala, pag hindi sya pumayag na makabalik ka, pwede mong banggitin na wala nga sa policy yon, pero in a very respective way. Balitaan mo kami kung anong mangyare. Paki send na din ng kopya ng article mo, trip lang naming makita, kung ok lang naman. Oo nga pala, kung wala sa policy yung ginawa nung school admin, tapos hindi ka parin binalik as staff ng school paper, paki rekta sa email namin yung contact number sa office ng admin nyo. Good luck sa hasel mo kid.

Sa advice nga pala, sobrang simple lang yung mga mapapayo namin. Hindi naman kase kami magaling magsulat. Sa totoo lang, sobrang dami naming hindi sinusunod na "proper writing format." Mas importante siguro yung content ng isusulat mo. Kung tagalog, wag masyadong malalim na tagalog kung ang habol mo 'e maka-relate ang magbabasa. Iwasan mo ding gumamit ng text-spellings tulad ng "un" instead na "yun" o kaya "kyo" imbis na "kayo". Importante din na magsingit ka ng sarili mong opinion tungkol sa topic mo. Kung puro base kase sa facts, muka ka lang nag-report. Basts mas organic, mas mukang kausap mo yung reader, mas kakaiba ang topic or reaction mo, mas ok. At importante nga pala na pag yumaman ka sa pagsusulat, balatuhan mo ng 10% lang yung mga nagpayo sayo... Sige kahit 5% lang... Kahit dalawang case na lang ng beer... Libreng sine?... Load, kahit 25 lang para maka-unlitext to all networks for 24 hours.... Ice tubig, tang*na kahit ice tubig lang papatusin namin yan mabalatuhan lang. Maski poker chips na lang sa facebook. May nagpopoker pa ba sa facebook? Kalokohan yun 'e. Luto naman, kung sinong konti yung chips yun yung nananalo... Ano na nga bang pinag-uusapan naten?

0 comments for this post

Post a Comment