Ask The Authors: (Smoking)
By mgaepals on 09:01
Filed Under:
Tanong galing kay Risa:
Bakit po ba nagsisigarilyo ang mga tao kahit alam nilang masama sa health yun?
MgaEpal.com:
Iba-iba ang dahilan kung baket naninigarilyo ang mga tao. Addicting ang nicotine, kaya kadalasan yan ang dahilan ng pagyoyosi. Hinahanap-hanap na ng katawan ang nicotine. Pero may mga tao din na "occasional smokers". Yung tipong napapayosi pag may salo-salo, kadalsan pag may inuman. Minsan peer pressure ang dahilan. Pag halos lahat ng kasama nila, nagyoyosi, napapyosi sila. Subconscious nila ang nag-uutos sa kanila na makisama pag ganon. Hindi sila aware na kaya lang sila nagsindi ng yosi, ay para "just to belong". Mali yan kung tutuusin, kaso hindi nga aware ang iba pag ginagawa nila yan. Meron namang nagyoyosi lang pagkatapos kumain, eto yung mga taong pakiramdam nila mas mabilis gumagaan ang pakiramdam nila pag nakakapagyosi sila. Pero sa totoo, kahit mag-inhale-exhale lang ang kahit sino, mas mabilis luluwag ang pakiramdam mo pagkatapos kumain. Pag humihithit kasi ng yosi, mas malalim ang inhale mo. Ang normal na paghinga ng tao ay mababaw. At pag kakatapos lang kumain, mas bumababaw pa ang paghinga dahil nao-occupy ng stomach ang konting space para mag expand ang lungs.
Sa totoo lang, wala kami sa lugar para sabihin na masama para sa inyo ang paninigarilyo, dahil sa aming apat, may occational smokers, at may addicted smokers. Sinusubukan naming itigil ang habit na yan sa kanya-kanyang paraan. Mas malakas ang addiction ng iba kesa sa iba. Kung may mga smokers na nakakabasa nito, subukan nyong bawasan pakonti-konti. Yung mga hindi nagyoyosi, wag nyo nang subukan, dahil sa tikim lang din kami nag-umpisa. Mahirap itigil pag natutunan at napadalas ang pagyoyosi.
Gusto naming i-share ang isa sa observations namin sa mga nagyoyosi; Parang "sport fishing" o hobby na pangingisda ang pagyoyosi. Baket? Ganito yan... Pag nangingisda ka (sport fishing) feeling mo may ginagawa ka, pero kung tutuusin, wala. Naghihintay ka lang na may kumagat na isda. Ganyan din ang pagyoyosi. Kaya nga mas napapayosi ang mga smokers na may hinihintay. Tulad ng pag may hinihintay kami na kabarkada. Halimbawang late yung hinihintay namin, nakakabato pag walang ginagawa. Kaya napapasindi kame. Sindi, hithit, taktak ng abo. Feeling namin may ginagawa na kami nyan, pero wala naman. May iba naman na pacool lang ang pagyoyosi. Abnoy ang mga ganyan. Feeling nila astig dahil umuusok ang bibig nila. Mas nahihirapan pa tumigil magyosi ang mga ganyang tao dahil tuwing nagyoyosi lang sila nababawasan ang pagka-insecure nila. May iba pa nga na dinadala sa "retard level" ang pagpapacool gamit ang yosi. Nakakita ka na ba ng nagyoyosi gamit ang buong kamay nya. Yung tipong pag humihit, nakaipit sa gitna ng hinpapakyu at palasingsingan yung yosi, sabay nakabukas ang kamay pag humihithit.Yung halos matakpan na ng buong kamay nya yung muka nya pag humihithit sya. Yan ang isa sa magandang example ng mga taong tinatawag naming "trying hard maging feeling cool wannabe". Pero sa susunod na namin ikukwento kung ano ang iba pang halimbawa ng "trying hard maging feeling cool wannabe". Sa ngayon, hanggang dito na lang muna ang usapang yosi na 'to. Masamang bisyo yan, tigil nyo na yan, o wag nyo nang subukan. Sige, salamat, hanggang bukas na lang. Yosi muna kame.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post