Ask The Authors... (Absent Minded)

By mgaepals on 09:00

Filed Under:

Tanong galing kay kattee:
Mga ninja, madalas kasi akong maging absent minded. Katulad nalang nung habang naliligo ako, imbis na shampoo ilagay ko sa buhok ko, toothpaste nalagay ko. Tapos minsan po mali nasasabi ko, halimbawa habang nasa road kami ng mga classmates ko tapos may mabilis na kotse na humarurot kahit red light na, di ko alam sa katangahan ko nasabi ko ang tawag sa ginawa nya " Hitting below the red light." Minsan natatakot na po ako, sana masagot nyo. Salamat ninjas.

MgaEpal.com:
Ayaw naming magmarunong masyado. Etong mga sasabihin namen, mga theory lang na nahaluan ng pangaral galing sa kanya-kanyang magulang namen. Hindi naman kasi kami doctor, pero isa sa usual na dahilan ng madalas na pagiging absent minded ay simultaneous thoughts o yung sabay-sabay na pag-iisip ng mga bagay. Mahirap yan pag hindi mo kontrolado. Baka kaya toothpaste ang nagamit mong shampoo dahil iniisip mong magtu-toothbrush ka pagtapos maligo. At baka kaya "Hitting below the red light." ang nasabi mo, dahil may naisip kang may kinalaman sa boxing habang tumatawid kayo.

Meditation ang ginagawa ng iba para mas makontrol ang activity ng utak nila. Pero kung kami ang tatanongin, sa tingin namin mas maganda kung magsusulat ka para magkakaron ka ng outlet para sa ibang nililikot ng utak mo. Magsimula ka ng blog. Wag mong targetin na magkaron ng readers. Basta ilatag mo lang kung ano man ang gusto mong ikwento. Parang diary lang. Iwasan mo maligo pag puyat, nakaka-pasma daw ng ugat sa ulo yon. O kaya mas maganda nyan, iwasan mo na lang magpuyat.


Good luck kid. Sana nakatulong kami sayo kahit konti. Kung tutuusin, pinagbigyan ka na lang namen dahil muka ngang madalas kang maging absent minded. Sinabi mo kase, sana masagot namen, pero kung titingnan ang message mo, wala ka namang tinanong.

0 comments for this post

Post a Comment