Mayweather vs Ortiz: (Pre-fight Pabasa)

By mgaepals on 00:51

Filed Under:


Bukas na ang laban ni Floyd Mayweather Jr. at Victor Ortiz. Parehong interesting ang stance nitong dalawang 'to. Si Ortiz ay naturally right-handed pero mas sanay sa fighting stance na pang-kaliwete (southpaw). At dahil ganon sya, lumalabas na may malakas na impact ang jab nya. Nagiging delikado rin sya para sa nakakalaban nya dahil ibig sabihin may punching power talaga ang pareho nyang kamao. Si Mayweather naman, halos nakatagilid ang angle ng katawan nya kaya "side-view" lang nya ang exposed sa kalaban. Nagiging mas maliit na target sya kaya mahirap tamaan. Sa ganong stance, nagagamit din nya yung balikat nya pangdipensa sa muka nya. Mas nakakalayo din sya ng ulo nya dahil imbis na patalikod ang ilag nya, nagmumukang pagilid. Parehong may advantage ang stance nila, at nakita na namin sa mga real fight videos (hindi sa pilikula) ni Bruce Lee na ginagamit nya yang mga stance na yan. Isang offensive stance at isang defensive stance.



Kung magiging malikot si Ortiz, pwedeng sya ang lumamang. Magaling na counter puncher si Mayweather. Kung in and out ang gagawin nya (suntok sabay layo agad) mas malaki ang chance nyang bihira matamaan at makakuha ng panalo kung aasa lang si Mayweather sa counter punching. Pero kung hahaluan ni Mayweather ng aggressiveness ang style nya, sya ang lamang. Mabilis ang kamay ni Mayweather, kaya kung susundutan nya paminsan-minsan ng atake si Ortiz, at dahil magaling nga sya dumipensa, mas madami ang lalanding na suntok nya kesa kay Ortiz, kahit mas madaming suntok na ibato si Ortiz.

Madami pang factors na basehan. Mas bata si Ortiz ng sampung taon. 24 sya, si Mayweather, malamang edi 34. Advantage ni Ortiz ang youthful energy, pero nakay Mayweather ang experience. 16 months napahinga si Mayweather, kaya pwedeng makaapekto ang ring-rust sa kanya. Pero mas sanay din si Mayweather sa ganito ka-celebrated na laban. Pwedeng maka-apekto kay Ortiz ang overwhelming attention. Nothing to lose si Ortiz dahil sya ang "underdog". Madaming umaasa na matalo nya si Mayweather, pero umaasa lang. Mababa parin ang expectations na manalo sya. Maganda daw pag ganyan ang sitwasyon ng fighter dahil mas wala daw pressure. Pero sa tingin namin, yang nothing to lose na sitwasyon ni Ortiz ang pinaka malaking harang sa kanya. Baket? Dahil kung hindi mana-knockout ni Ortiz si Mayweather, malabong sya ang gustuhing manalo ng judges. Undefeated si Mayweather. Yan ang titingnan na angulo ng mga judge. Kung hindi magiging dominating ang performance ni Ortiz, ibibigay ng judges ang panalo kay Mayweather. Para lang hindi mamantsahan ang record nya. Theories lang naman namin yan, pero malakas ang kutob namin sa posibilidad na yan.

Ang hirap hulaan kung sino ang mananalo. Pero kung hindi nga mana-knockout ni Ortiz si Mayweather... sa tingin namen, Mayweather by decision.

 image hugot dito

 Based sa picture na 'to, mukang magiging dikit ang laban.

image tinimbre ni 
aguirre1017 sa Tip Box

0 comments for this post

Post a Comment