Planking Issues
By mgaepals on 13:02
Filed Under:
Ilang buwan na kaming nanahimik tungkol sa planking dahil neutral kami sa issue na yan. Sa tingin nyo ba walang mga nagre-request para sa reaksyon namin dyan? Halos araw-araw may magtatanong ng "Ano po ang masasabi nyo tungkol sa mga nagpa-planking?" o kaya "Baket ang daming galit sa mga nagpa-planking?" at kung ano-ano pang planking questions. Pero hindi kami naglabas ng kahit anong reaksyon. Baket? Dahil masyadong simple ang reaksyon namin dyan noon. May simpleng statement lang kame na "Plank at your own risk." Pero noon yon.
Umabot na sa issue ng pagkakaron ng Anti-Planking Law. Tang*na mahiya naman kayo. Hanggang ngayon hindi kami against sa mga nagpa-planking na trip lang. Pero sa mga nagpa-planking sa mga rallies, paki tigil-tigilan na yan. Kasama nyo kame sa pagpoprotesta sa bulok na sistema ng gobyerno, pero yung mga nagpa-planking sa welga ang dahilan kung baket nagkaron ng usapan tungkol sa nakakabobong Anti-Planking bill na yan. Oo, lahat tayo may freedom of expression, o sa lagay na 'to "Freedom to trip lang." At oo, na nagagaguhan din kami sa binabalak nilang Anti-Planking law, kaso kayo naman ang nagsimula 'e. Sa anti-planking shit na yan, sinasabing bawal mag-planking sa mga rallies. Kung sa mga rallies lang, tama lang yon. Tang*na alam namin ang itsura ng Welcome Rotonda. Nagplanking kayo don. Mawalang galang lang, pero... gago ba kayo??? May mga blind side don. Put*ng ina pag may nasagasaan ng kotse sa inyo, sinong sisisihin? Buong Pilipinas. Pagpipyestahan na naman tayo sa CNN. At madadamay lahat ng nagpa-planking, pati yung mga groups na nagkakatuwaan lang.
Ang daming artistang nag-react ng sobrang negative sa Anti-Planking law. Naisip ba nila na walang choice yung mga gumawa ng bill na yon dahil kaligtasan ng mga nagra-rally ang nakasalalay? Nakisakay lang sa hype yung mga artistang yon, para "cool". Para sa mga artistang yan, kung mga kapatid, anak, o magulang nila ang magpa-planking sa area ng mga busy na kalsada, ayos lang ba sa kanila? Seryoso, ayos lang? Ang bobo 'e.
Hindi kame nagpa-planking. Pero hindi din kami against sa planking. Kung wala kayong mapeperwisyong iba, at kung nasa sarili nyo lang ang risk, bahala kayo, good luck sa trip. Pero kung makakadamay kayo ng mga inosenteng driver na dumadaan lang sa normal nilang daanan, at may posibilidad na malagay sa konsensya ng mga driver na yon ang buhay nyo, kalokohan na yan. Para naman sa mga gago sa gobyerno, pakinggan nyo kasi agad ang mga reklamo. Mag-set kayo AGAD ng meeting kung sapat ang dami ng taong nagrereklamo. Tang'na nyo kaya kayo binatukan ng pagpa-planking sa mga rallies, dahil hindi nyo sila pinapansin nung puro salita lang sila. Simple lang naman yan, kung ayaw nyong mabatukan, lumingon kayo agad sa sitsit pa lang.
Basta kung sa rallies lang ipagbabawal ang planking, ayos lang. Kung totally ipagbabawal ang planking, gago kayo. At paki bilisan nga ang conclusion nyang bill na yan, para hindi nasasayang ang oras. Hindi request yan. Utos yan, galing sa lahat ng Pilipinong nagbabayad ng sweldo nyo.
Isang bagay pa nga pala para sa mga mahilig mag-planking. Tutal ang lakas ng loob nyong dumapa kung saan-saan, siguraduhin nyo lang na kayo ang naglalaba ng mga damit nyo.
image hugot dito

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post