MP for VP?
By mgaepals on 14:05
Filed Under:
image hugot dito
Sinabi ni Manny Pacquiao na tatakbo syang Vice President sa 2016. Ang hirap mag-react sa issue na 'to. Malaki ang tiwala namin kay Manny Pacquiao... as a boxer. As a politician, wala pa sya sa lugar para husgahan. Sandali palang ang stint nya as a congressman. Paglipas ng dalawang taon pa, yun ang panahon na may magiging sapat na batayan ang husga sa pagiging politiko nya. Pero kung sa usapang vice presidency, leaning towards "yes" kame. Wala namang masyadong ginagawa ang vice president No offense kay vice Binay at sa lahat ng naging VP in Philippine history, pero yan ang totoo. Yan na nga siguro ang pinaka safe na posisyon. Pag vice president ka, wala sayo ang mata ng mga tao. Wag ka lang gagawa ng kalokohan na pagpepyestahan ng media, "nice-guy" ka na. Tingnan mo si Noli De Castro. From being a news caster, to being a vice president, ang back at being a news caster again; Parang wala lang nangyare. Si vice Binay ngayon, under the radar din kung tutuusin kung hindi lang dahil sa mga papansin ng official website nya. Kaso nga lang, si Noli D. at Jejomar B., hindi naman sila isang Manny P.
Kung magiging vice si Manny, baka iba ang itakbo ng interest ng mga tao at media. Ano ba ang magiging status ni Pacquiao pag dating ng 2016? Kung kasing tingkad ng exposure nya ngayon ang exposure nya 5 years from now, malamang mas tutok sa mga ginagawa nya ang lahat kesa sa ginagawa ng kung sino man ang magiging presidente. Nakakahinayang lang kung maimpluwensyahan sya ng kurakot, makita ng lahat, at masira ang alamat na sinusulat ng tadhana tungkol sa kanya ngayon (Naks, lalim 'no?)
Isa pang kinakaalangan namin, baka maging presidente sya dahil sa kung ano mang twist of faith. Hindi imposible yan. Tulad na lang ng nangyare kay Erap at Gloria. Hindi naman sa nagdududa kami sa honesty ni Manny. Ang alangan namin ay sa basehan ng mga magiging desisyon nya. Masyado syang nagpapa-apekto sa mga moralista sa ngayon. Kung mababago nya yan, baka ok lang kahit maging presidente sya. Pero masyado na tayong lumalayo sa issue. Malaking laktaw na yang usapan na yan. Basta kung si Manny Pacquiao, gustong maging vice sa 2016, sige lang, why not. Hanggang dun lang muna kame. Pero dedepende ang huling reaksyon namin dyan, sa kung sino ang magiging running mate nya na tatakbo bilang presidente.
Malakas ang kutob naming gagamitin nila 'tong idea na 'to pag dating ng 2016.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post