Class Report
By mgaepals on 09:00
Filed Under:
Pag nasa classroom kayo, tapos kailangang lumabas ng teacher para mag-CR, magpa-photo copy ng test papers, mag-miryenda ng patakas, o para tumawag sa shota nya, pinagbibilin minsan ng teacher sa isang studyante na bantayan ang klase. Uutusan nyang ilista nung studyante sa blackboard kung sino-sino ang mga tatayo, lilipat ng upuan, at mga mag-iingay. Pag tumayo ka, sa listahan ka ng "Standing". Pag lumipat ka ng upuan, "Not In Proper Seat". Kung nakikipagdaldalan ka naman, kahit hindi masyadong maingay, "Noisy" ka agad. Ginagawa yan para madisiplina yung mga studyante. Effective yan, dahil may parusa pag napunta ka sa mga listahan na yan. Minsan may bayad na ilalagay sa class fund. Minsan deduction ng score sa susunod na test. O kaya ipapatawag ang magulang mo pag madalas kang nalilista. Hanggang high school lang naman kadalasan may ganyan. Sa college wala na nyan. Pero kung tutuusin, pagkapanganak pa lang sayo, nasa mas malaking classroom ka na, at may mas nagbabantay na teacher na nag-aabang kung sino ang malalagay sa listahan.
Malaking-malaking classroom ang mundo, at experience ang teacher. Ang kaibahan lang, hindi lumalabas ng classroom yung teacher, at sya mismo ang naglilista ng "Standing", "Not In Proper Seat", at "Noisy". Pero sa classroom na 'to, maganda pag nasama ka sa lista. Pag naka-tayo ka, mas madami kang makikita. Mas malayo ang nakikita mo. At mas may alam ka sa nangyayare. Mas kita mo rin yung "Crush" mo pag nakatayo ka. Kaya kahit mas madalas kang naka-upo, kung madami kang nalalaman, at natututunan, "Standing" ka. Pero kahit "Standing" ka na, kung hindi naman nagagamit yung mga nalaman at kaalaman mo, sayang. Kumilos ka. Lumibot ka. At maghanap ng mga makikilala. Kung mas madami kang makilala, mas madami ang koneksyon mo, mas dadami ang opportunities mo. Mas malaki din ang chance na makatabi mo ang "Crush" mo at maging panghabang-buhay mo syang "Seatmate" (Yeehee! Kilig? Mga siraulo.) Kung ginagawa mo yan, mapupunta ka na rin sa "Not In Proper Seat". Pero kailangan mo paring matuto dumaldal. Yung daldal na may substance. Kung hindi ka iimik, kahit pa isang batalyon na ang nakakatabi mo, hanggang opportunity na lang yan. Wag mahiyang magtanong kung may gustong malaman. I-share sa iba kung may maganda kang idea. Dahil ni hindi nila malalaman kung sino ka kung hindi ka gagawa ng kahit konting ingay. Kahit katabi mo na yan, kung tameme ka lang, irrelevant ka kung nakalingon sya sa kabila. Kaya kahit kalabit pa lang ang ginagawa mo, kung ang purpose mo ay para makipag-usap, nakalista ka na sa "Noisy". Minsan nga, sa kalabit pa lang meron nang nagkakaintindihan.

Standing. Not In Proper Seat. Noisy.
Nakalista ka na ba?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post